8.30.2009

Trailers

Lagi akong late pero pagdating sa panonood ng sine ay hinding-hindi pa ako na-late. Gusto ko 30 mins before mag-start ang film ay nakaupo na ako sa pwesto ko. Ayokong pinapalagpas ang mga trailers.

Since wala akong magawa ngayon, nagtyaga akong manood ng mga trailers sa youtube. In fairness, mukhang madaming akong dapat abangan ngayong taon:

1. The Princess and The Frog - Imbes na maging prinsipe ulet yung frog eh naging frog yung prinsesa. Parang katulad to ng Shrek kung saan akala ko mawawala ang sumpa ni Fiona pag hinalikan sya ni Shrek yun pala magiging ogre din sya. Nakakatawa at love story ata. Sige mapanood nga.

2. Ninja Assassin - Papanoorin ko 'to hindi dahil sa mahilig ako sa mga assassins at gusto ko ng mga ninjas. Papanoorin ko 'to kasi andito ang crush kong si Rain! Malamang lalakas ang tibok ng puso ko sa aksyon at sa kilig.

3. Surrogates - Detective story daw at tungkol sa pag-save ng humanity. Mukhang interesting ang film.

4. Whip It - Isa sa mga pangarap ko nung bata ako ay matutong magroller blade pero kahit kelan ay di ako natuto nito kasi pinangunahan ako ng takot na baka madagdagan ang peklat sa tuhod ko. Kung saan ako maligaya, dun naman ako nasasaktan. Kahit man lang sa movie ay matupad ang pangarap kong maging roller skater kaya papanoorin ko din 'to.

5. Nine - Dahil mahilig ako sa musical at dahil mga sikat ang mga artista dito kaya isasama ko na rin 'to sa listahan.

8.29.2009

Buntong Hininga

Ayokong isulat, ayokong ikwento, ayokong sabihin at ayokong isipin. Haaaaay...

8.28.2009

Kwentong Mabaho at Mapanghi

Kahit walang tulog ay pumunta ako sa Grepalife para sa Annual Physical Examination ngayon. Every year may APE para sa lahat ng empleyado kaso ngayong taon lang 'to naging required sa lahat. Sa apat na taon na stay ko sa company, ngayon pa lang akong nag pa APE. Ang kahuli hulihan kong Physical Examination ay bago ako mag-college.

Di ko lam kung maiinis o matatawa ako sa nangyari ngayon. Last week, binigyan kami ng cup para sa stool. Di ako tumae ng isang araw para masigurado ko na may makokolekta ako at makakapagpasa ako ngayon ng jebs. So bago ako pumunta sa RCBC ay jumebs nako kasi dapat daw fresh ang jebs na ipapasa sa kanila. Kainis talaga kasi nung binibigay ko yung cup dun sa medtech at sa nurse eh ayaw pa nilang abutin. Ilapag ko nalang daw sa table. Nakakahiya talaga. Kala ko ba required magbigay ng jebs? Bat ako lang ang nagdala ng stool? Pakshet.

Maliban sa tae, binigyan din kami dun mismo sa Grepalife kanina ng isa pang cup for urine naman daw. Bago ako umalis ng bahay ay uminom ako ng one glass of water so alam ko na di ako mahihirapan na umihi pagdating dun. Hindi na sana ako magiging katawa-tawa sa kanila kaso first day ng mens ko ngayon kaya ayun, nagpasa ako ng mapula-pulang ihi.

8.26.2009

Kuwentong Trabaho

Suspended na si Chrissy tas ang susunod naman ay si Gio. Mukhang lahat kami sa team ay masususpend at wala man lang ginagawa ang aming supervisor. Mukhang tuwang tuwa pa sya na lahat kami ay di nya makikita nang dalawang linggo. Alam ko may kasalanan kami sa pagkalugmok ng team namin. Kung dati ay nasa top 10 kami, ngayon ay pangalawa na kami sa kulelat.

Nagkamali kami pero kung padamihan lang din naman ng mali, sya ang reyna ng kamalian. Inuutang nya ang pondo ng team. Sabi ng iba ninanakaw nya ang pondo. Dahil wala silang punches at time card, lagi syang late ng 2 oras sa pagpasok. Late na nga, tatakas pa sya para manood ng sine pag wala ang mga managers tas babalik sya sa office isang oras bago uwian. Lagi syang walang alam pag may tanong kami. Pag nasobrahan kami ng tanong ay sinasabihan nya kami na reklamador. Minumura nya ang mga newbies na nagkamali sa harap ng mga tenured CSRs. Tamad syang magcompute ng stats namin. Di sya marunong magcompute. Kinakalimutan nya ang kanyang trabaho lalo na sa pag-file ng mga swaps at leaves. Madamot sya sa pagbibigay ng team meeting kaya kami laging naglog out. Hindi nya kami ina-update sa mga bagong policies ng company. Lagi kaming huli sa balita pag may bagong protocol at services. May favoritism sya. Favorite nya ang mga lalake. Pwede syang idemanda ng mga lalake ng sexual harassment dahil lagi syang nanghihipo at nanghahalik. Nag power trip sya lalo na sa mga di nya gustong CSR. Sino ba naman ang gaganahang pumasok kung ganito ang boss mo? Di na ako nagtataka kung bakit umaabsent lagi ang mga teammates ko.

Sana bukas ay November 6 na para makaalis na ako sa kumpanya. Natatakot ako na mawalan na ako ng pasensya sa boss at sa mga callers ko. Araw-araw ay lalong nagiging masungit ako. Baka mamya mauna ang termination sa pinaplano kong resignation. Kung magreresign naman ako ngayon eh mga bandang January ko pa makukuha ang 13th month pay at ang last sweldo ko. Sayang naman.

Wala akong choice kundi maghintay ng mahigit dalawang buwan tutal hanggang ngayon ay magulo pa rin ang utak ko. Di ko pa rin alam kung ano ang gusto ko talagang mangyari sa life ko. Ayoko nang magturo ulet pero kung sa ibang bansa ay baka bumalik nga ako sa pagiging teacher. Ayoko na rin sa call center pero kung sa ibang bansa ay okay lang maging call girl. Wala akong time para mag-aral sa university. Ayokong gumastos at ayokong gumugol ng mahabang panahon para sa pag-aaral. Puro short courses lang ang kaya ko. Sa ngayon isa lang ang natitiyak kong gusto ko at ito ay ang pera. Anong trabaho ba ang pwede sakin?

Sana magbago ang boss ko. Sana kahit papaano ay ayusin nya ang trabaho nya. Sana wala ng masuspend kasi nalulungkot ako pag nababawasan ng tao ang team. Sana magkaron pa ako ng pasensya sa mga engot na callers. Sana makapaghintay ako hanggang November 6. At sana --- makahanap ako ng trabaho kung saan magiging kuntento at masaya na ako.

8.21.2009

Panaginip

Di ako naniniwala sa panaginip kaso halos lahat ng panaginip ng mga kapatid ko ay nagkakataon namang nagkakatotoo. Kanina lang, nanaginip si Megan na naputol ang ngipin nya. Sabi nila pag nanaginip daw na natanggal ang ngipin dapat daw kumagat kaagad sa wood.

Bago mamatay si Mama noong 2003, sabay na nanaginip sina Megan at Mon na nabunot ang mga ngipin nila. Hindi sila nakakagat sa wood noon. Nung 2006 naman, nanaginip ako na naputol ang ngipin ko, tas pagkagising ko kumagat ako sa wood and after 30 minutes ay nakatanggap ako ng text from my cousin na nadisgrasya ang uncle ko.

Kinakabahan ako. Sana ok lang ang family ko..

8.20.2009

Nag-text Ang Asawa Mo

Tumatawag sya.
Sinadya kong di sagutin.
Pagkatapos ng 30 minuto,
Nagtext ako sabi ko,
"Tumatawag ka ba? Sorry nasa labas ako di ko masagot.."
Nag-reply sya kagad.
Binasa ko ang text nya.
At biglang akong sumaya.
Bwahahahahaha!

Ang sama ko talaga..

8.19.2009

Usapan Ng Isang Baliw At May Amnesia

Baliw: Kelan kaya mag-snow? Nakakapagod maghintay.
May Amnesia: Bakit gusto mong mag-snow?
Baliw: Kasi sabi ng mahal ko pwede kaming mag-date pag nag-snow na.
May Amnesia: Sinabi nya yun kasi hindi ka nya gusto.
Baliw: Bakit?
May Amnesia: Kasi kahit kelan di mag-snow dito.
Baliw: Pero gusto ko syang makasama. Mahal ko sya.
May Amnesia: Imposibleng mag-snow. Iba na lang ang mahalin mo. Tigilan mo na sya.
Baliw: Ibig bang sabihin di ko na sya pwedeng mahalin kung hindi nya ako mahal?
May Amnesia: Oo.
Baliw: Bakit?
May Amnesia: Kasi.. Kahihiyan yun.

Medyo napaisip ako dun ah.

8.18.2009

Mga Kampon ni Mickey at Ratatouille!

Mabait ang tawag sa kanya ni Mama. Tas kaibigan naman ang tawag ng iba. Wag daw siyang aanuhin kasi baka gumanti. Baka daw masira ang mga damit namin. Kagabi lang kitang kita ng dalawang mata ko na pumasok siya ng cabinet ni Megan.. Syet! Di sya kaibigan at mabait! Nakakadiri sya! Bibili ba ako ng lason o kukunin ko yung pusang kalye para kunin to? May trauma ako sa mga lason kaya di ko kayang bumili nun. Ayoko naman ng pusa. Sana andito si Mon o kaya si Papa.. Pano ba 'to?!? Waaahhh!

8.17.2009

Horoscope for August 18

Kapag wala akong magawa, tumitingin ako sa mga bituin haha. Heto ang horoscope ko from yahoo.com:



Bad Aquarius ( from allposters.com)

Overview

"Sometimes there's nothing you can do about a situation. Get over what you can't change, or your fixation about it will eat you alive. While it isn't like you to give up, you also know when you can't win. This is one those times. Later in the day, an unreliable associate may yet surprise you with a dependable response. Be sure to write it down or no one else will believe you. Tonight, your romantic impulses could trap you in a tight spot -- use the secret exit to escape if necessary. "
Love

"Make your control-freak side go on vacation, and give in to your impulses. Throw caution to the wind and have fun without worry about what people may say. Today is all about what you want not what you should be doing."
Career

"Is there something you're missing here? Breaking into the upper echelon has rarely seemed so difficult. Maybe it's time you learned to speak management's language -- get some more education."

Ayoko Na!

Dahil sa emotional stress na dulot ng pagkaka-suspend ko sa work, tas yung puyat at pagod, idagdag mo pa ang mga walang pakundangang nagyoyosi sa mga public places at mga smoke belchers na dumadagdag sa air pollution, at ang pabago-bagong panahon, kaya ngayon ay bumagsak ang katawan ko.
Sobrang kati ng lalamunan ko, tas inuubo at sinisipon at masakit pa ang buong katawan ko. Good luck sakin. Di ko tuloy na-meet si DC at di ko nakuha ang TIN ID ko. Haaay..

8.16.2009

Couple or Trouble

Bumili si Megan ng DVD sa Makati Square kanina. Korean TV Drama daw. Sinimulan namin kanina. Kala ko drama, parang di naman. Nakakatawa nga eh. Masungit at mayaman yung girl. Mukhang masarap panoorin.

Tumawag si Duke Claymore

DC: Maya, musta na?
Maya: Eto sinisipon. May swine flu ata ako eh. Twice ako tumae. Diba kasama yung diarrhea sa mga symptoms?
DC: Ano ka ba, sipon lang yan. Ako din may sipon. Bat di mo sinasagot mga text ko? Bat di kita matawagan? Bat iba gamit mong number?
Maya: Nawawala kasi yung charger ko. Eh di ko ma-charge kasi iba charger ng sister ko. Tas nung nasa Bataan ako walang signal. Di nga kasi ako makalabas para bumili ng charger. May lagnat ako.
DC: So may charger ka na ngayon?
Maya: Malamang. Kaya mo nga ko natawagan sa number ko eh! Ngayon ko lang nabuksan ang phone ko.
DC: So meet tayo bukas?
Maya: O sige. Kaso di pa ako makalabas. Nanghihina ako.
DC: Okay lang yan. Basta meet tayo bukas ha.
Maya: Sige try ko. Text mo nalang sakin ang oras at address kung san tayo magmeet ha, ok?
DC: Bat nagmamadali ka? Gusto mo na bang ibaba?
Maya: Kasi baka mataas ang babayaran mo. Sayang sa load.
DC: Naku okay lang basta libre mo ko bukas hahaha.
Maya: Hoy wala akong trabaho ngayon. Kaw manlibre.
DC: Kaw nalang.
Maya: Sige KKB nalang.
DC: Basta libre mo ko.
Maya: Wag na tayong mag-meet!
DC: Sige meet tayo.
Maya: Nga pala, wala na si Hazel.. Namatay na sya..
DC: Ay grabe.. Ano nangyari sa kanya? Bat sya namatay?
Maya: Lymphoma.
DC: Sino na nga si Hazel?
Maya: Yung dormmate ko.
DC: Ano itsura nun?
Maya: Basta. Eh nagkita na ba kayo ni Pola? May anak na sya.
DC: Oo nagkita kami nung December. May anak na rin ako.
Maya: Talaga? Kelan pa?
DC: Last year. Nagpakasal ako. Di ko ba nasabi sayo?
Maya: Hindi eh. Kanino ka nagpakasal?
DC: Syempre sa sarili ko hahahaha!
Maya: Langya ka. Kala ko babae ka na ngayon.
DC: Naku single pa rin ako.
Maya: Pero nagkakagusto ka na ba sa lalake? O babae pa rin.
DC: Basta makipagkita ka sakin bukas. Bibigyan kita ng raket. Gusto mo mag-tutor? Lalake. Gwapo.
Maya: Ayoko ng lalake saka anong age nyan? Sayo nalang yan para maging babae ka ulet hahaha.
DC: Nasa college na. Nagpapahanap yung mommy nya ng tutor. Di marunong mag-Tagalog. Kaw kagad naisip ko.
Maya: May work na ako on Friday eh.
DC: Ang bilis naman. Akala ko two weeks ang suspension mo.
Maya: More than one week na kaya. Dapat di ba last week pa tayo magkikita?
DC: Oo. Sige pag-usapan nalang natin yan baka kaya mong isingit sa sked mo.
Maya: Sige. View mo pala ang blogs ko para kumita ako.
DC: Ano na naman yang kalokohan na yan? Hahahaha.
Maya: Ano ka ba, pede ako kumita dito. Yung friend ko kakatanggap nya lang ng pera dahil sa blogs nya.
DC: Ano ba yan, yung clixsense.com?
Maya: Tongek, hindi.
DC: Kelan ka pa nag-blog?
Maya: Ngayon lang ulet. Basta i-view mo ha.
DC: Sige ano ba mga sites?
Maya: Text nalang kita.
DC: Sabi mo wala kang load?
Maya: Chikka gagamitin ko. Sige text nalang kita ha.
DC: Nagmamadali ka na naman?
Maya: Sayang kasi load mo eh.
DC: Okay.
Maya: Text mo sakin ang address ha.
DC: Oo. Bukas ha. Bawal late.
Maya: Oo. Di na ako nale-late. Bye.
DC: Pagaling ka. Bye. Miss you Maya.
Maya: Na-miss din kita. Sige ibaba mo na.
DC: Sige bye.

8.15.2009

Garage Sale

Ako
ay napagod.
Ako
ay umitim.
Ako
ay sinipon.
Ang paninda ko
ay nilangaw.

8.14.2009

Lamay

Kahapon umuwi kami ng sister ko para dalawin ang namatay naming Uncle sa Bataan. Bukas ay dadalhin sya sa Pangasinan para dun ilibing. Gusto man ng asawa nya na ilibing sya sa Bataan ay wala silang magawa kasi yun ang bilin nya bago sya namatay.

Pinaka-Ayaw Ko:

Kapag dumadalaw ako ng lamay, pinaka-ayaw kong nakikita ang mga nagsusugal. Saklaan ata ang tawag dun. Kahapon parang may birthday ang pinuntahan namin kasi masyadong malakas ang mga boses ng mga nagsasakla. Nakakainis kasi nagdadalamhati yung family at friends ng namatay pero sila ang iingay nila at minsan nagtatawanan pa habang nagsusugal. Pakiramdam ko nabababoy ang lamay ng Uncle ko.

Pinaka-Gusto Ko:

Malungkot ang lamay. Kung meron mang magandang nangyayari, ito yung pagdalaw at pakikiramay ng mga kaibigan at kamag-anak. Minsan nga parang family reunion pa 'to. Yung mga kamag-anak at kaibigan na di mo nakita nang matagal na panahon ay saka naman nagpapakita pag may namatay. Kung di pa namatay si Uncle C ay di ko pa makikilala ang ibang mga pinsan ko.

Pinaka-Weird:

Pinaka-weird na nangyari ay ang pagkikita namin ng isang misteryosong lalake. Pagdating palang namin sa lamay ay narinig ko na tinawag ang pangalan ko. Kala ko guni-guni lang yun pero sabi ng brother at sister ko tinawag daw ako ng isang lalake. Di ko na nilingon kasi hindi naman sya ang pakay namin dun. Nalaman ko na lang sa mga kapatid ko na tinititigan daw ako nung guy. Medyo naging curious ako kaya tiningnan ko na. Malabo ang mga mata ko pero madali ko namang ma-recognize ang face ng isang tao pag tinitigan ko nang matagal. Pero kahit anong gawin kong titig ay di ko talaga sya makilala. Di ko lam kung naging classmate ko sya o kapit-bahay dati. Bago kami umuwi ay lumapit pa sya sa may pwesto namin kaso di naman kami nagka-usap kasi kasama ko sina Papa. Nagkatitigan lang kami. In fairness, cute sya. Naalala ko tuloy yung psych test para malaman kung may tendency na maging kriminal ang isang tao. Syempre di ko naman gustong magkaron ulet ng lamay para lang makita sya ulet.


Umuwi kami sa bahay nang hating gabi na. Di na kami nakapagkwentuhan nina Papa kasi 6am ang pasok nya kinabukasan at pagod na rin sya. Natulog na kagad kami. Gusto ko sanang magtagal sa Bataan para makapagpahinga ako kaso nagpilit umuwi kagad ang sister ko kaya ngayon andito na naman ako sa Makati. Parang gusto kong bumalik ulet ng Bataan para makita ko yung mysterious guy hehe.

8.12.2009

Blog at Bakasyon

Sa totoo lang napapagod na ako sa kakaisip kung pano kumita online. Kakatapos ko lang gumawa ng facebook at youniverse account kung saan nilagay ko lahat ng blogs ko sa profile tas nag-upload pa ako ng picture kong nakatalikod. Syempre di ako gumamit ng real name ko at di ko pinakita ang face ko. Kasama yun sa gimik para i-view nila ang blogs ko. Ngayon naman eh nagcomment ako sa mga mahigit kumulang na 100 blogs. Wish ko lang eh may makapansin ng comments ko at mag-aksaya ng oras para tingnan din ang blog ko. Sabi kasi ng brother ko eh effective daw ang pagbibigay ng comment. Dun ata dumami ang readers nya dati.

So good luck na lang sa mga blogs kong walang kwenta. Sana naman eh madagdagan ang 1 dollar na kinita ko sa ads. Next week na ulet ako mag-iisip kung ano ang iba-blog ko. Uwi muna ako ng Bataan para magpahinga. Sana naman di magtext ang boss ko o kaya ang mga call centers na nangungulit para magpa-interview ako.

8.11.2009

Uncle C

Two weeks ago dumating si Ate Madong at Ate Sharon galing ng Dubai para dalawin si uncle. Masaya pa silang nag-reunion.. Nitong weekend bumalik sila ng Dubai. Tas 10 minutes ago, nag-pm si Ate Madong na wala na siya.. Di ko lam kung yung diabetes nya o yung sakit sa kidney ang dahilan. Every year nalang may kamag-anak akong namamatay sa sakit.. Nakakalungkot di ko man lang nadalaw si uncle..

8.10.2009

Mission Accomplished!




Mga Pato Malapit Sa Greenbelt Church

Sa wakas, nagawa ko din!
1. Nakakuha na ako ng bagong NBI clearance.
2. Nakapunta ako BIR for TIN ID kaso sa Friday ko pa makukuha.
3. Nakuha ko na ang Vista.
Bukas, kelangan ko naman ibenta ang mga bote at dyaryo dito. Kelangan ko ng pera haha.

8.08.2009

Maya's Youniverse

Natuwa naman ako sa www.youniverse.com


Youniverse Personality TestYouniverse Personality Test



Youniverse Mind TestYouniverse Mind Test



Youniverse Travel TestYouniverse Travel Test



Youniverse Movies TestYouniverse Movies Test

8.07.2009

Para Magawa Ko Ang Mga Gagawin Ko

Pag may tatlong bagay akong nagawa sa isang araw, saka ako magblog.

Procrastination

Sa mga activities na gagawin ko dapat for Thursday and Friday, isa palang ang nagagawa ko dahil tinatamad ako. Next week na ulet ako magsisimula. Pramis, gagawin ko na.

8.06.2009

A Text From Mon

Tinext ko kanina ang brother ko. Sabi ko gusto ko na magresign dahil napapagod na ako kaso di ako makahanap ng work na makakapagpasaya at magbibigay ng magandang sweldo.

Eto ang reply nya:

"hindi ka pwedeng yumaman ng basta basta lang. mahaba pa ang buhay mo wag kang magmadali. maghanap ka ng work at pag may sahod ka na mag-aral ka uli ng kursong makkpgpasaya sau tlaga. wag mung iisipin ang pera. mahalaga maging masaya ka. nalimutan mo na ba yung optimism mo nung college at newly grad ka? mali kasi ang goals & prioritis ng mga nakakasama mu dyan sa work. magresign ka na at magumpisa katulad ng dati."

Pagkatapos, naiyak ako. Haay buhay.. Madaling sabihin pero mahirap gawin.

8.04.2009

Mga Gagawin Ko Sa Araw Na Suspended Ako

August 6, Thursday
  • OPERATION LINIS

August 7, Friday

  • RECYCLE - Ibebenta ko yung mga naipon kong bote at dyaryo mula nung June.
  • SMARTBRO - Aug 15 ang due date pero mas magandang maagang magbayad.
  • TIN ID - Kukuha ako ng TIN id sa BIR.
  • NBI - Magre-renew ako ng NBI clearance
August 8, Saturday
  • RETAINERS - Maghahanap ako ng dentista na pedeng magkabit ng retainers na mura kasi P5,000 ang sisingilin ni Doc Rommel sa ngipin ko. Masyadong mahal.

August 9, Sunday

  • DATE - May date kami ni Duke Claymore.
August 10, Monday
  • COE - Punta ako sa dati kong pinapasukan para kunin yung certificate of employment ko. Sana buhay pa yung school..
  • APE - Annual Physical Examination, kelangan magbigay ng tae at ihi, tas papa-x-ray.

August 11, Tuesday

  • RECRUITMENT AGENCIES - Magbibigay ako ng resume sa mga recruitment agencies dito sa Makati. Kelangan ko ng maging seryoso sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

August 14, Friday

  • PAYDAY - Kelangan kunin ko ang payslip. Di baba ng P13,500.oo ang sweldo ko. Sana alang discrepancy.
  • RENT - Mag-dedeposit sa Unionbank para sa renta ng bahay.
  • GROCERIES - Kelangan mag-grocery.
August 15, Saturday
  • UKAY - Di ko pa sure kung magapapa-ukay ako sa araw na 'to.. Sana pede si Ann at si Ate Jo sa date na to para magkapera ako.
August 16 - 22

BAKASYON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Hahaha! Di ko pa alam kung saan ako pupunta. Kung sa Bataan, malamang makikipagkita na lang ako sa mga dati kong friends. Kung sa Isabela, masyadong malayo. Saan kaya ako pede? Hehe. Excited na ako!

8.03.2009

Mama

Ano ba to naiiyak ako sa interview ni Boy Abunda kay Kris.. Naalala ko yung huling usapan namin ni Mama bago sya mag-suicide. Sabi nya ipagdasal ko lagi ang family namin. Parang di ko naata nagagawa ngayon yun.. Minsan na lang ako mag-pray..

6 years na mula ng namatay si Mama pero hanggang ngayon masakit parin sakin. Parang gusto ko ulet syang makausap lalo na ngayon medyo depressed ako..

Suspended Ako!

Finally nalaman ko na ang date ng suspension ko. Suspended ako from August 7 to August 20 hehehe. Actually expected ko na ma-suspended ako kaya di na ako nagulat sa sinabi ng HR manager kanina.

Magkasamang lungkot at saya ang nararamdaman ko.. Malungkot ako kasi pangit sa record yun. Mahirap mag-apply ng promotion o ng ibang trabaho pag alam nilang na-suspend ka na. Maliban dun, wala pa akong susuwelduhin pag nagkataon.. Haay.. Kailangan gumawa ako ng way para kahit papaano ay may pera ako.. Ayoko namang galawin ang savings ko..

Malungkot ako pero excited din ako ma-suspend. Sino ba ang ayaw mag-pahinga? Since ang hirap mag-apply ng leaves eh siguro ok na ang suspension mahaba-haba din yun. At least ngayon, may time ako para makapag-isip-isip kung ano nga ba talaga ang gusto kong mangyari sa life ko.. Lately, medyo nade-depress ako kasi nagsasawa na ako sa ginagawa ko. Siguro kaya din ako nag-fail ng productivity ay dahil nasusuka na ako sa ginagawa ko. Paulit ulit lang. Haay buhay..

8.01.2009

August 1

1. Ngayon namatay si former President Corazon "Cory' Aquino dahil sa colon cancer.
2. Ngayon ay bumili kami ng Liquid Sosa para sa baradong lababo namin.
3. Ngayon bumisita si Leng sa office kahit suspended sya.
4. Birthday ni Mama ngayon.