7.31.2009

Friday Night With Pola

Naramdaman kong gusto kong lumabas ng Friday night kaso ayoko muna makipagkita sa mga officemates ko. Araw araw ko na sila nakikita. Medyo nakakasawa na ang pag-mumukha nila. So ayun niyaya ko si Pola mag-date para naman maiba ang makasama ko tutal ilang months ko na syang di nakita. Nagkita kami sa SM Megamall at as usual late ako kasi naman traffic tas Friday pa. Gumastos nga ako ng P200 sa taxi at muntik pa akong makipag-away sa driver kasi ayaw nya kong ibaba sa tabi ng Megamall mismo gusto nya dun sa Edsa. Maglakad na lang daw ako kasi mahihirapan sya pero dahil matatag ako ay binaba nya rin ako dun sa tabi ng mall mismo. Anyway, kumain lang kami sa KFC tas nagchikahan about dun sa mga old friends at crushes namin. Kala ko bibigyan nya ako ng advice tungkol sa work at sa life kasi medyo walang pinatutunguhan pero wala naman syang binigay. Yung advice din kasi ang isa sa mga reasons kaya ako nakipagkita sa kanya. Pero ok lang walang advice at least nagkita kami. Namiss ko din naman sya. Kahit papano, gumaan ang loob ko.

7.30.2009

Walang Tulog Pero Masaya

Wala pa akong tulog pero di ako pede pumikit kasi dami ko gagawin. Kelangan ko unahin to gawin bago ang saya.. Haay..

Mga Gagawin Ko:
1. Magdeposit sa bank.
2. Magbabayad ng kuryente.
3. Mag-grocery.
4. Maglalaba

7.29.2009

Waiting

Two weeks ago, nakatanggap ako ng memo galing sa HR. Nagrerequest sila ng investigation at magbigay daw ako ng letter para i-explain ang side ko. Nung una, magkahalong galit, panibugho at kaba ang naramdaman ko nung malaman kong malapit na akong masuspend. Kasalanan ko naman talaga dahil tamad akong magtrabaho. Lagi akong nag-log-out kaya ayun. Since kasalanan ko, di na ako nagbigay ng letter. Waste of time lang yun. Alam ko naman na dun din ang tuloy nun.

Ngayon, parang naiinis ako kasi di ko pa alam kung kelan ako masuspend. Sa totoo lang gusto ko rin namang magpahinga. Pabor sakin ang suspension kasi magagawa ko ang bagay na di ko magawa pag rest day ko.

7.28.2009

Sige Tawag Pa!

Grabe sobrang busy sa office kanina. Sa bawat minuto ay may 100 calls na di kami nasasagot.. Kahit pagod kami, masaya pa rin kami kasi kasama naming nag-take ng calls ang mga supervisors at managers. Nakakatawa silang pakinggan kasi di nila alam ang protocol haha. Wala silang choice dahil kung di sila tutulong ay mawawalan sila ng bonus. Kung di ba naman nila tinerminate ang mga tao eh di sana eh masmalaki ang kita nila ngayon sa dami ng calls. Ayan buti nga.

7.27.2009

Plastik

Naranasan mo na bang makipagplastikan sa isang taong lagi mong nakikita? Dahil officemate ko sya ay wala akong magagawa kundi pagtyagaan ang kanyang pagmumukha. Sya si JM. Kanina, humihiram sya ng ballpen sabi ko ginagamit ko pa. Tas sabi nya kung may extra daw ba ako at sagot ko naman eh wala kahit meron. Ewan ko ba pag ayoko sa isang tao, nagiging madamot ako sa mga gamit ko. Bakit ayoko sa kanya? Una, hiniram nya ang lesson plans ko na pinaka-ingat ingatan ko mula pa noon tas nung kukunin ko na sa kanya ay nawala nya daw. Pangalawang rason kung bakit ayoko sa kanya, eh utangera sya. Di lang basta utang ng utang kundi isang utangerang hindi nagbabayad. May issue pa nga sya sa office kasi last year, sya ang nangolekta ng pera para sa Christmas gift namin sa boss namin kaso 6 na buwan na ang nakakalipas ay wala paring natatanggap na gift ang aming boss. Syempre nagastos nya yun. Isa pang dahilan kung bakit ko sya ayaw ay dahil salaula sya. Sya yung taong bigla nalang sasandok o kaya pupulot sa ulam o tinapay na kinakain mo ng walang paalam. Hindi ako maselan sa pagkain. Ok lang naman kahit makiinom sya sa mug ko basta magpaalam man lang sana. Di na nga nagpaalam, iniwanan pa ng laway yung mug ko. Bwiset!

Ewan ko lang kung nahahalata nya na nakikipagplastikan lang ako sa kanya. Tutal insensitive naman sya kaya malamang di nya nage-gets yun. Kaya ayun 'pag binati nya ako eh ngingiti naman ako. Napaka-plastik ko talaga..

7.26.2009

Maaga Kaming Pinauwi

Dahil maaga kami pinauwi ay may time sa chatroom ngayon. Kaso naman walang kagana-ganang ka-chat ang isang tao na gusto ko sanang maka-usap nakakainis. Masmabuti pang nakipag-usap nalang ako sa tuta.

7.25.2009

Nakakainis

Alas 8 na ng umaga at heto gising pa din ako. Nakakainis lalo na kung yung utak mo mismo ang di nagpapatulog sayo.. Oo kanina ko pa sya iniisip.. Sya na naman! Nakakainis kasi hanggang ngayon mahal ko pa din ang pangit na yun. Nakakainis kasi alam kong pangit sya pero mahal ko parin. Nagayuma nga ata ako.

Utangera

Hindi ka ba naiinis sa mga taong na-aalala ka lang i-text pag may kailangan sa'yo? Kanina nakatanggap na naman ako ng text sa isang tao na matagal nang di nagparamdam. Syempre sa una, tatanungin ka ng "musta?" tas saka nila ihihirit ang "pautang nga bayaran ko rin next week". Ok lang sana magpautang kaso yung "next week" na pangako nila eh minsan nagiging "next year" na pag magbabayad. Haaay naman..

7.24.2009

Ano Ba 'To?

Syet ano to.. Mali ang ginagawa ko.. Nakikipag-chat at kulitan ako sa Amerikanong boyfriend ng friend ko..

7.23.2009

Bwiset Na HP

Dahil sa expired na ang Windows Vista Starter ko ay pumunta ako sa Hewlett Packard para i-claim na ang Windows Vista na pinangako nila. Sa kasamaan palad ay Globe Tattoo lang ang meron sila kaya wala akong choice kundi kontakin si Deo para mag-install ng Vista na galing sa tabi-tabi. Ayun imbes na naibenta ko ang Globe Tattoo sa kanya ng P1,000 ay binigay ko na lang ng libre dahil sa pag-install nya..

7.21.2009

Una

Ito ang una kong post hehe.