9.30.2009

May Panty Pero Walang Bra

Kasama ang dalawang bahay nina Vincent sa Pasig na lumubog sa baha na gawa ni Ondoy kaya dito muna sya nakikituloy sa maliit na apartment namin. Karaniwan na ang pagsusuot ko ng tshirt na walang bra sa pang-itaas tapos panty naman sa pang-ibaba bilang pambahay pero dahil studio lang ang unit namin at dahil lalake ang pinsan ko kaya kelangan kong magsuot ng mas disenteng pambahay.. Nakakaawa ang nangyari kina Vincent. Kahit yung pangalawang bahay nila na kagagawa lang ay di nakaligtas sa hagupit ng baha kaso nga lang nahihirapan ako ng nandito sya. Di ako makatulog sa suot ko ngayon. Pakiramdam ko nababalutan ako ng sampung makakapal na kumot..

9.29.2009

Nakakaantok Na Tuesday

1. Maaga akong nagising kanina kasi pumunta ako sa bangko. Limang oras lang ang tulog ko kaya antok na antok ako sa office. Goodluck naman sa productivity ko.

2. Nakipagkita ako kanina sa optometrist para kunin ang eyeglasses ko. Naninibago pa ang mata ko kaya di ko pa isinusuot.

3. Binigay na ang result ng Annual Physical Examination kanina. May UTI daw ako. Wala atang epekto ang pag-inom ko ng cranberry juice..

4. Nakakainis di ko sya nakita ngayon. Kahit nakita ko sya nung Monday ay nami-miss ko na kagad sya..

5. Marami pa ring absent sa office. Sana may calamity fund ang kumpanya namin para sa mga naapektuhan ni Ondoy.

9.28.2009

Huling Lunes Ng Setyembre

1. Marami pa rin akong officemates na absent. Yung iba sa kanila na taga Pasig at Cainta ay humihingi ng LOA sa management para maayos ang mga bahay nilang lumubog sa baha.

2. Naka 100 QA ako kaso absent ako nung Saturday dahil sa Typhoon Ondoy at bagsak din ako sa idle time kaya di ko makukuha ang bonus ko. Malapit na akong ma-suspend sa kaka press ko ng aux sa avaya.

3. Okay naman kami ng boss ko ngayon kahit papano. Di pa rin kami nagkakaron ng team meeting dahil madami pa ring absent. Nag-usap kami kanina at pareho naman naming gusto na matapos na ang gulo sa team. Kelangan nyang makausap ang mga teammates kong may lihim na galit sa kanya.

4. May isang tao na taga workforce ang naireklamo na naman ng isang CSR sa HR for rudeness. Sa dami ng mga taong nasa position ang inirereklamo malamang mababawasan ang nagpapa-power trip.

9.26.2009

Rain And Flood by Typhoon Ondoy





Hindi nakakatawa ang nangyari samin ngayon. Lumusong kami sa baha at ulan gamit ang pedicab para sunduin ang youngest sister namin na na-trap sa baha sa may bandang Buendia. Dinala ko ang digicam ko para makunan ko ang kalagayan ng mga lugar na madadaanan namin. Madaming mga sasakyang ang nakalubog sa tubig at madaming mga tao ang lumalangoy para lang makauwi.


Salamat sa Diyos at maayos naman ang sister namin. Natagpuan namin sya sa may bandang Buendia malapit sa Mcdo sa Pasong Tamo kasama ang maraming tao na nag-aabang din ng masasakyan para makauwi.

Nung pauwi na kami ay minalas talaga kami. Biruin mo sa kalagitnaan ng Washington Street ay biglang tumaob ang pedicab namin. Nabasa ang pepe ko! At pinakamatindi sa lahat ay nabasa pati ang cam at celfone ko. Nagamit ko pa ngayon ang SD card kaso di ko alam kung gagana ang celfone at ang cam. Hanggang ngayon ay pinapatuyo ko pa..

9.25.2009

Baha Na Naman!

Ang sarap sanang matulog kasi umuulan at malamig kaso kung ganito namang binabaha na naman ang lugar namin ay di ako mapakali. Di ako makatulog sa kakaisip kung pano ako papasok mamaya since my shift is at 4pm today.. Mabuti sana kung andiyan si Batman para ilipad ako papuntang office.. Kasi naman ang dudugyot ng karamihan ng tao. Ultimo naupos na yosi tintapon sa daan at imbornal.. Ayan, baha na naman!

9.23.2009

Judas, Gollum at JM

Hanggang ngayon ay di parin kami nakakapag-meeting kasi nga queueing na naman kanina. Hindi pa rin nareresolba ang mga issues sa boss namin kaya ngayon ang team ay hati sa tatlong group. Ang first group ay kinabibilangan ng boss ko at ng 3 nyang pet na sina JM, Gollum at Judas. Ang pangalawang team naman ay kinabibilangan ko at ng 11 teammates ko na napagkakamalang nagrerebelde. At syempre ang huling group ay ang mga taong walang paki alam sa mundo.

Kilala ko na kung sino ang taong naglaglag sakin. Syempre kumampi sya sa boss ko. Kaninang lunch time di sya nakisama sa table namin at umiiwas sya ng mga tingin. Gusto ko syang turuan ng leksyon pero napigilan ko pa rin ang sarili ko sa paggawa ng masama. Magwi-wish na lang ako sa falling star na sana lalong dumami ang warts at pimples sa face nya at sana ay pestehen sya ng mga garapata at kuto ng kanyang mga alagang pusa hahah.

Ngayon alam ko na kung sino ang mga tunay kong kaibigan. Talaga palang nangyayari yun. Sa isang dosenang kaibigan mo ay may isa dun na hudas.

9.22.2009

Nabawasan Ang Galit Ko

Kahapon may nakarating sakin na may pasikretong nagsumbong sa team leader namin ng tungkol sa mga galit mga CSRs nya at syempre ang name ko ang isa sa mga nabanggit. Kung sino man ang taong may makating dila na nagsabi nun ay talagang makakatikim sakin. Di ko palalagpasin ang ginawa nya.

Anyway, kanina ay nagkaron ako ng logout at syempre nasabi ko lahat ng mga hinaing ko sa kanya. Nasabi ko din ang ibang issues ng mga teammates ko kaso di ako nagbanggit ng mga names dahil ayokong manlaglag. Mangiyak-ngiyak sya nung nabanggit ko na ang tungkol sa team fund at sa favoritism nya (sa lalaki). Bukas ay magkakaron ng team meeting para pagusapan lahat ng issues na sinabi ko. May mga taong madaming nasasabi pag nakatalikod ang boss ko tas pag tinanong sila ay ayaw magsalita. Alam ko magsasalita si Leony at si Chrissy kaso ang iba ay siguradong tatahimik na naman. Bukas ko malalaman kung gano katapang ang mga teammates ko.

9.21.2009

Dolphins and Hailstorm in Bataan

February, 2009



September, 2009


Ngayon ko lang nalaman na umulan pala ng yelo last week sa Bataan. Baka darating ang araw na mag-snow na sa Pinas.

Mabait Ako Pero Talagang Masamang Magalit

Galit ako. Sobra. Ayokong nararamdaman 'to dahil natatakot akong may gawin akong masama.

9.20.2009

Lalong Kinakabahan..

Walang na-receive na email ang boss ko na nagsasabing na-monitor ng QA ang pagmumura ko. So di ako masu-suspend. Ang kaso, 95% ang average productivity ko for 3 days.. 96.5% ang pasadong productivity. Dapat nakakuha ako ng 100% na productivity kanina para pumasa ako.. Ayokong ma-terminate. Huhuhu..

9.19.2009

Kinakabahan Ako..

Bago ko i-connect ang caller sa Dominos Pizza ay nasabihan ko sya ng "futa!" Nakalimutan kong i-press ang mute button. Sana di na-monitor.. :(

9.18.2009

Pano Mo Malalaman Na Di Mo Na Sya Mahal

Sabi nila, siya daw ang first love ko. Para sakin, sya ang puppy love ko kasi minahal ko sya nung nasa high school pa ako. Matagal na panahon na yun kaya nga naiinis ako pag nagtatanong sila ng, "Oy musta na kayo? Nagpakasal na ba kayo?" Pag nakikipagkita ako sa mga old friends ko, hinding hindi nila nakakalimutang tanungin si Piggy Oink. Minsan di ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga tanong nila. Pwede naman nilang tanungin ang career ko pero bakit lovelife ang una. Tapos magugulat sila pag sinasabi kong, "Ano ba, yung roommate ko nung college ang nakatuluyan nya noh." Di sila makapaniwala pag sinasabi ko yun. Ilang taon din naman kasi akong nahumaling kay Piggy Oink noon. Feeling ko nga kaya din sya minahal ng 4 na friends ko ay dahil sa kakabanggit ko ng name nya noon. Di ko alam na sa kakakuwento ko ng tungkol sa kanya ay nahulog ang loob nila sa kanya kahit di pa nila ito nakikita. Sa apat na yun ay di pa kasama ang roommate ko. Pano naman sila nagkatuluyan ng roommate ko? Aba di ko alam. Ang alam ko ayaw sa kanya ng roommate ko dati kasi lagi syang may mali sa grammar sa text. Nung time na mawala ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa isang orgmate ay sumunod naman syang nakipag-date sa isa kong ding orgmate na eventually ay naging gf nya.

Anyway, minsan akala nila ay mahal ko pa sya kasi naman lagi ko syang iniiwasan. Pag may reunion, di ako uma-attend pag alam kong andun sya. Nung kasal nga niya ay di rin ako sumipot kahit imbitado ako. Nung kailangan naman ng asawa nya ng kasama para sa paghahanap ng bahay ay di rin ako nakipagkita sa kanila. Ganun naman talaga ako. Kahit sa lalaking sumunod na minahal ko ay iniiwasan ko din ngayon. Past is past. At ang mga lalakeng bahagi na ng nakaraan ko ay dapat nang burahin sa friendster at sa memory ko heheh. Syempre malabo naman mangyari na makalimutan ko sila unless magkaron ako ng amnesia. Ayoko lang talaga silang makita. Pakiramdam ko masisira ang buhay ko pag nakita ko sila.

So paano ko mapapatunayan na di ko na talaga sya mahal at kaya ko lang siya iniiwasan ay dahil ayoko siyang makita? Simple lang. Una, nasa pictures nila. Kapag tiningnan ko ang pictures nila ng asawa nya sa friendster at facebook at pagkatapos ay wala akong nararamdaman o kaya ay di nagsisikip ang aking dibdib, ang ibig sabihin nun ay di ko na nga sya mahal. Pangalawa, kapag nakipag-chat ako sa kaniya. Nakikipagcommunicate ako hindi dahil sa nami-miss ko sya. Nakikipag-usap ako sa YM sa kanya para sabihin na bisitahin niya yung blogs ko para kumita ako. Yun lang. Pangatlo, kapag gusto kong makita silang magkahiwalay at nagaaway ng kanyang asawa. Selfish lang talaga ako. Gusto ko maging magulo ang lovelife ng mga minahal kong lalake. Kung mahal ko pa sya dapat maging masaya ako sa kanyang relasyon kasama nung babaeng mahal nya. Dapat handa akong magparaya kahit masakit sakin. Ganun daw ang true love. So that means I'm not inlove with him anymore. Antagal na kaya nun. Sana tumigil na ang mga friends ko sa kakatanong tungkol sa kanya at sa kakaisip na ako ay may nararamdaman pa rin sa kanya kaya ako laging umiiwas. Sana dumating ang araw na matatawa na lang ako sa kanila pag nakita ko sila o kaya naman ay masasabi ko na, "Parang familiar ang face mo.. Anong bang name mo?"

Friday Night With My Sisters

Bukas pa ang wedding anniversary ng parents ko pero ngayon na namin 'to na-celebrate kasi may shift ako tomorrow ng 3:45pm. Nagluto ang mga kapatid ko at syempre dahil di ako marunong magluto ay naging taga-tikim na lang ako sa luto nila. Kahit wala dito sina Papa at Mon ay naging masaya naman ang dinner namin kasama si Yan Yan.

Pagkatapos ng dinner ay nanood naman kami ng Korean Telenovela na "Hello Miss!" Ang nagustuhan ko dito ay yung story nung baliw at nung anak nya. Medyo naiyak ako kanina.

Pagkatapos ng panonood ay natulog kagad sila at syempre ako gising pa kahit 2am na ng madaling araw. Di pa rin ako inaantok kahit napagod ako sa dami ng mga ginawa ko kanina.

9.17.2009

Isang Nakakaantok Na Araw

Isang oras lang ang tulog ko ngayon kaya kahit 8:10pm palang ay inaantok na ko. Di naman ako makapag coffee kasi baka biglang bumalik ang gastritis ko. Matutulog na ako bago mag 9pm. Good night and sweet dreams to me!

9.16.2009

I'm Absent Today

Isa sa goal ko ay magkaron ng perfect attendance this year. Wala pa akong late at absent kaso ngayong araw na 'to ay umatake ang amoebiasis at gastritis ko.. Di ko makukuha ang performance bonus at sick leave conversion ko.. :(

9.15.2009

LSS (Last Song Syndrome)

I've been singing the song, "Getting To Know Each Other" by Ariel Rivera since last week and I don't know why I do. It just keeps playing in my mind..



I call you and you call me
It's funny how we get on so easily
We're just friends aren't we
You've got yours, I've got mine
And friends are all we ever could be
( But ) We're getting to know each other
A little too well ( Getting to know each other )
( A little too well )
We're starting to show our feelings
And people can tell
( Ooh, people can tell )
Every time that your eyes meet mine
I light up like a neon sign
Yes, we're getting to know each other
A little too well..
( Getting to know each other )
( A little too well.. )
We have lunch every now and then
And I find myself humming love songs
Again and again..
Too many nights I'm workin' 'till ten
And I hope that you know
That it's hopeless to go on when..
( Getting to know each other..)
Getting to know each other..
A little too well..
( Getting to know each other..)
( A little too well..)

Maybe I'm inlove again hehe.. Haaay..

9.14.2009

I hate Mondays!

.. especially when my boss tells me
i did'nt get a hundred QA.
Haay..

9.13.2009

Karir



Pag pinaputi sya tas pinasingkit ang kanyang mga mata, magiging kamukha nya si "Martin," ang bagong crush ko ngayon. Bakit ko sya naging crush? Kasi napakatahimik at mistyeryoso nya nung una ko syang makita. Lalo ako na-attract sa kanya nung narinig ko ang boses nya. Hindi sya mayabang. Lalo akong nahulog sa kanya nung binigay nya yung upuan sa tabi nya kasi wala akong upuan.. Haaaay.. Bat di kita nakita kagabi? Naka leave ka ba o naka swap?

Kung di ako magreresign sa November 6, sigurado ako na magkikita tayo twing gabi tutal parehong kulelat ang teams na kinabibilangan natin.

UAAP Cheerdance 2009

May isang Philosophy professor na ang tawag sa aming basketball team ay Fighting m-O-RONS kasi lagi daw absent sa kanyang klase ang mga players para magpractice tas di naman nananalo. Kapag nalaman nya na may estudyante sya member ng basketball team ay kaagad nyang pinag-drop ang mga ito dahil sa inis nya. Aminado ako na talagang mahina ang basketball team namin sa UAAP pero pagdating sa Pep Squad alam kong lamang kami sa ibang universities .

Taun-taon ay di ko pinapalagpas ang panonood nito nung nasa college pa ako at nung teacher pa ako. This year nagplano ako na manood pero sa kasamaang palad ay walang nabiling ticket ang mga friends ko at may shift din ako ng Sunday so nagtiis nalang ako sa panonood ng TV kanina.

Bago i-announce ang nanalo ay lumabas na ako ng bahay kasi male-late na ako since 5pm ang shift ko pag Sunday. Nung nasa jeep palang ako papasok ay nakatanggap na ako ng mga texts. Syempre, nagulat ako sa nabasa ko. Pangatlo lang daw ang UP. Haaay sobrang nakakalungkot talaga.. Sa napanood ko sa TV kanina alam ko na masmagaling ang mga ginawa noon ng Pep Squad namin kesa sa ginawa nila ngayon. Pero kung ikukumpara ko naman sila sa mga kalaban nila kanina ay masasabi kong malayo pa rin ang lamang nila sa iba. Para sakin, dapat ay nasa number 1 or 2 lang sila. Akala ko nga ang USTE lang ang matinding kalaban nila kanina.

Ayaw kong manira ng ibang school since di ko naman napanood nang live. Baka may nakita ang judges na di ko nakita kasi nga may sinusuportahan akong school. Anyway, darating ang panahon na ang UP Fighting Maroons basketball team ang magiging champion kasama ng UP Pep Squad. Basta manalo o matalo, nag-iisa lang ang Pep Squad sa puso ko. :)


PS:
Bakit naging chickenjoy ang dala dala ng pep squad ng FEU kanina? Kala ko tamaraw sila? :) Kapayapaan sa lahat lalo na sa puppy love ko na taga FEU dati hahaha.

9.12.2009

Tula

Nung nasa college ako sabi ng isa kong roommate na naging asawa ng puppy love ko ay wala raw akong pakiramdam. Wala daw akong puso. Sinabi nya yun kasi pag may binabasa syang tula sa 'kin ay lagi akong walang reaction. Karamihan sa mga tula nya ay tungkol sa pag-ibig at naiinis sya pag di ako nagsasabi ng "aww, ang sad naman.." o kaya naman ay "nakarelate ako.. "

May mga panahon talaga na kahit mga kanta ay walang meaning sakin kahit na maganda ang tugtog o ang lyrics nito. Pagdating sa mga kuwento o tula, nag-iiba ang mga reaksyon ko. Minsan kahit sobrang babaw ay gustung-gusto ko at minsan naman kahit na sobrang lalim at ganda ay di ko 'to pinapansin.

Kanina pa ako nakatulala sa harap ng laptop ko at pinipilit kong gumawa ng tula pero kahit anong gawin ko ay di ako makagawa kahit na isang linya lamang. Dati naman ay mahilig akong gumawa ng tula at madali rin akong nakakagawa nito. Napansin ko na medyo bumalik na naman ako sa dati. Di na ako nag-eenjoy sa pagbabasa ng mga tula at di na rin ako makagawa ng tula. Siguro kelangan kong mainlove para makakagawa ulet haha.

Halik

Hagkan mo ang kanyang labi
Marahan at malumanay
Mapusok at maalab
Isang dampi lamang
Habang ako’y nakatunghay
At ako’y magiging malaya. .

Itong tula na 'to ay galing sa dati kong blog. Isa 'to sa mga paborito ko.

Hindi Bola Ang Puso Ko

Nung una, bowling.
Hinawakan mong mabuti
Pero sa bandang huli ay pinagulong.
Strike.

Noong ikalawa, basketball naman.
Ipinasa sayo,
Idrinibol
Sabay tapon papalayo.
Three Points.

Sumunod ay volleyball.
Ibinato sayo,
Tumakbo para maabutan
Tinamaan ng dalawang kamao.
Kill.

Kahapon ay ang baseball.
Paparating pa lang
Pinalo mo na agad ng ubod lakas.
Home run.

At kanina paboritong mong football.
Inangkin mo
Gumulung gulong ka para di makuha ng iba
Yun pala ihahagis mo din
Gusto mo lang palang umiscore
Goal.

Panalo ka. Talo ako.

Galing 'to sa dati kong blog. Hindi ako mahilig sa bola at di ko rin alam kung paano ko 'to nagawa. Isa din to sa paborito ko.

9.11.2009

Ibon Nakikipag-usap Sa Pagong



Yan Yan The Turtle

Sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Nagising ako nang 1:00 am ng madaling araw ng Biyernes para mag-internet. Pagkatapos ay di na ako nakatulog. Pagdating ng 8:00am ay naglinis ako ng bahay, nagtapon ng basura at nagpalaba ng mga maduduming damit.

Pagkatapos ng Operation Linis ko ay dumiretso naman ako sa Waltermart para magbayad ng bill sa Smart Bro. Dumaan na din ako sa department store para bumili ng shirt. Pagkatapos sa Waltermart ay pumunta naman ako sa Unionbank para maghulog para sa savings ko. Di kasi ako nakapaghulog last month so 70% ng sweldo ko ngayon ay na-deposit ko. Dumating ako sa bahay ng mga alas dose na ng tanghali. Kumain ako at pagkatapos ay humiga para matulog pero di rin ako nakatulog. Bumangon ako ng alas dos para mag-prepare kasi may shift ako kanina ng 3:30pm to 7:30pm. As usual, queueing na naman! Ang mga taga SMS, nag-take na ng calls hahaha!

Pagkatapos ng shift ko ay dumiretso na naman ako sa Waltermart para bumili ng blouse at isang pair of shoes. Pagkatapos sa Waltermart ay umuwi na ako sa bahay. Wala akong nadatnan kundi si Yan Yan kaya nakipag-usapan at nakipaglaro lang ako sa kanya. Dati mahiyain tong si Yanyan pero ngayon ay makulit na. Tingin ko masmakakabuti sa kanya na tumira sa lugar na may mga kasama syang pagong.. Alam ko gusto nyang maging malaya kaso anong magagawa ko eh pet sya ng sister ko?

Pagkatapos ko makipagkasatan kay Yanyan ay nag-internet na ulit ako. Nakipag-chat ako at naghanap ng mga pwedeng mapapanood na film kaso wala naman akong nagustuhan.

Ngayon ay 5:11am na ng Sabado at kanina pa tulog ang mga kapatid ko at pati si Yanyan.. Tulog na rin ang mga ka-chat ko. Heto ako gising pa rin.. Haay.. Adik ba talaga ako?

9.10.2009

Survey From Vox.Com

Kapag wala akong magawa at ayokong makipag-chat, isa sa mga ginagawa ko ay sumagot ng survey:

1.Does anyone know your password to your friendster besides yourself?
No.
2. What was the last thing you ordered at McDonalds?
Cheeseburger.
3. Are you an emotional person?
No.
4. Do you like your name?
Yes!
5. Do you believe in love at first sight?
NO!
6. Ever felt jealous of your friend?
Yes. I think that's normal..
7. What was the last thing you did?
Posted a blog entry.
8. Who is right next to you?
Yan yan, my sister's turtle.
9. Who were the last persons you ate with?
Officemates.
10. What song are you listening to right now?
Low by Flo Rida.
11. How's the weather right now?
It's kinda cold.
12. Last person who called you today?
Lot.
13. Last song you sang?
Want You by Ji Young Sun!
15. Do you like everyone?
I hate everyone haha!
16. Lost a friendship over something stupid?
NO.
17. Last beverage you drank?
Minute Maid's pulpy mango orange juice.
18. Last food you ate?
Jollibee burger.
19. What did you do last night?
Tulog.
20. Faked being sick to miss school?
No.
22. Last person you talked to?
Lot.
23. Last person you made fun of?
Lei.
24. What are you wearing right now?
T-shirt and panty.
25. Are you too quiet to ask anyone out?
No.
26. What is the first thing you notice about the opposite/same sex?
Eyes.
27.Where are you right now?
House.
28. What date and day is it?
September 11, 2009, Friday
29. Did you go anywhere today?
No. But i'll go to Unionbank later.
30. Where else are you going today?
Waltermart.
31. Are you watching TV?
No.
32. Are you closer to your mom or dad?
Dad.
34. When was your last kiss?
February 15, 2008.
35. Whats the most annoying thing people say to you?
Payat daw ako!
36. Do you like music?
Yes.
37. Do you want to get married?
Yes.
38. To whom?
I haven't met him yet. :)

9.08.2009

Thankful

1. Muntik na akong ma-late buti kalkulado ko ang travel time from house hanggang sa office. Natulog kasi ako ng mga 12:00nn kanina kaya ayun late na ako nagising. Salamat sa dalawang tasa ng kape at nawala ang antok ko sa office. Buti di sumumpong ang gastritis ko. Salamat sa cranberry juice!

2. May log out ako kanina na mahigit na 2 oras kaso di naman ako tinanong ng boss ko kung ano yung issues ko sa kanya. Nakakapanibago ang ugali nya sobrang bait nya ngayon sa lahat. Malamang natututo na sya sa pangaral ng call center manager at nung cute na HR manager hehe. Kaso duda ako eh baka rumesbak to samin nina Hazel at Gio 'pag nakahanap sya ng pagkakataon. Pasalamat sya at di sya nasuspende!

3. Nalaman ko na naka 100 QA ako at di ako nag-fail ng productivity last week so di pa ako mate-terminate. Mukhang malaki ang sasahudin ko sa susunod na payout. Salamat sa Diyos!

4. Bago ako umuwi, nakita ko yung crush ko kanina at pareho kaming naka-red ngayon. Bat kaya sya natutulog sa pantry? Baka pareho kaming puyat sa kakaisip sa isa't isa hahaha. Salamat kay Mareng Ann at nasulyapan ko sya!

5. Naulanan ako pag-uwi kasi tinamad akong kunin yung umbrella sa locker ko. Sana di ako magkasakit. Salamat naman at ok ang internet connection ko kahit umuulan!

9.07.2009

Tulog Nasan Ka?

Alas onse ng umaga na, di pa rin ako natutulog.. Nasobrahan ata ako ng panonood ng porn sa pulang tube. Tinatamad akong pumasok.

Tinanong Ako Ng Boss Ko

Boss: Maya, ano 'tong nalalaman kong nagpaplano raw kayo ni Gio na kasuhan ako? May issues ka ba sakin?
Maya: Sino naman ang nagsabi sa'yo nyan? Kung gusto mong malaman ang sagot ko kung may issues ako sa 'yo aba eh we need to talk. I need a log out for that hehehe.
Boss: Sige i'll log you out later pag wala ng queue.
Maya: Sure. (Buti naman at nang makapagpahinga ang lalamunan ko hehe)

At natapos ang buong isang araw, wala akong log out. Baka natatakot syang marinig ang sasabihin ko hahaha.

9.06.2009

Chubby, Matangkad At Kalbo

Ngayong araw na 'to ay nakatabi ko sya habang kumakain ako. Syet di ko lang alam kung napansin ng friend ko pero napatahimik ako kanina nung nagkalapit kami sa table.. Hanggang ngayon ay di ko parin na-overcome ang ugali ko na umiiwas at naiilang sa taong crush ko. Napansin kaya nya na tumalikod ako sa kanya nung binibigay nya sa 'kin ang chair? Pano ko ba maaalis ang pagiging mahiyain at tahimik ko pag nakakasama ko ang crush ko? Ang tanda ko na pero bat ganito pa rin ako?! Waaaahhhh!!!

9.04.2009

Rockstar Wanna Be

Dati kinanta nya ang Yellow ng Coldplay at With or Without You ng U2 sa Makati Rep. Kanina naman sa party ay kinanta nya ang isa pa sa pinakapaborito kong kanta..



"It started out with a kiss.. How did it end up like this? It was only a kiss, it was only a kiss.."


Kung di sya naging CEO siguro ang Scottish na 'to ay naging rock star. In fairness lahat ng gusto kong kanta ay kinanta nya ngayon.

"Let's Talk" Party

Kahit ayokong makita ang boss ko at wala akong isusuot na damit ay pumunta pa rin ako sa party. Hindi ako ganong sumayaw kasi di ko type yung tugtog pero naging masaya naman ako kasi nabusog ako sa food at nakita ko ang mga dati kong teammates. Ngayon ko na-realize kung bakit ako nagtagal ng apat na taon sa kumpanya kahit sawang sawa na ako sa ginagawa ko. Hindi pera ang dahilan kasi maraming call center dyan sa tabi-tabi ang masmataas magpasahod at may masmaraming benefits para sa mga empleyado nila. Nagtagal ako sa office kasi naging masaya ako sa mga teammates at officemates ko. Napamahal na ako sa kanila..

9.03.2009

Party

May party ang kumpanya namin bukas sa Bagaberde. Di ko pa alam kung pupunta ako kasi wala pa akong isusuot. Ayokong gumastos para bumili ng damit. Dahil nasuspend ako last month, P13.4K lang ang sweldo ko imbes na nasa P20K-P30K ito. Kelangang pagkasyahin ko ang pera ko kasi next week pa ako susuweldo. Isa din sa dahilan kaya tinatamad akong pumunta eh makikita ko ang boss ko dun. Nasusuka ako sa pagmumukha nya. Kaso nakakahiya namang hindi pumunta kasi nakapagsabi na ako kina Chrissy na pupunta ako. Tapos baka ito na rin ang huling party ko with my officemates since desidido na akong mag-resign sa November 6.

9.02.2009

Noynoy For President?

Isa sa mga ginagawa kong pag-promote ng aking mga blogs ay ang paggamit ng twitter. Ang ginagawa ko ay nagclick ako ng mga profiles ng kung sinu-sino at pagkatapos ay saka ko i-follow. Mga ilang araw na ang nakakaraan nang nakareceive ako ng message galing sa isang fina-follow ko. Sabi nya sakin magsign daw ako para sa pagtakbo ni Noynoy for president. Aba nagulat ako. Di ko lam na isa pala sya sa mga na-add ko para i-follow. Ayun nagreply naman ako sa kanya at sinabi ko na, "Magaling sya (Noynoy Aquino) kaso baka nadadala lang kayo ng pagkamatay ni Cory. Gagamitin lang sya ng ibang politicians. Hindi sya desidido sa pagtakbo."

Nagsimula ang "Noynoy For President" na 'yan nung namatay si Cory. Kung di pala namatay si Cory ay di nila maiisip na patakbuhin si Noynoy. At ngayong araw nga na 'to kasabay ng pag-give way si Mar Roxas para kay Noynoy para tumakbong president ay natuklasan ko namang suspended yung account nung nagmessage sakin dun sa twitter at "due to strange activity" daw hahahah.

Wala akong sinasabing hindi sya (Noynoy) karapat-dapat na tumakbo. Aba eh kung desidido talaga sya eh bakit hindi? Kelangan pa bang pumirma ng mga tao para sya tumakbo? Wala naman akong naririnig na masama sa kanya. Sabi nila mabait at di raw sya nangungurakot. Ang tanong ko lang ay nagawa nya ba ang mga sinasabi nya sa plataporma nya nung tumakbo syang senador? Ano bang nangyari sa Tarlac noong congressman pa sya dun? Ano naman kaya ang masasabi ng mga taga Central Azucarera sa Tarlac sa pagtakbo nya?

Naalala ko tuloy nung panahon ni Erap. Pinatalsik nila si Erap tas hinayaan nilang umupo si GMA? Ngayon, puro reklamo sila sa pamamahala ni GMA? Sana bago sila magpatalsik ng presidente ay kilala na nila kung sino ang karapat dapat na pumalit dun sa pinatalsik nila. Sana di nadadala ang mga tao sa kanilang emosyon sa pagpili ng mga mamamahala sa bansa. At sana di nag-take advantage ang ibang mga politicians. Sana di magpagamit si Noynoy sa ibang politicians. Sana manalo ang karapat dapat na mamahala sa bansa.

Hanggang ngayon, di ko pa alam kung sino iboboto ko. Sino kaya?