10.29.2009

Undas 2009

Bakit excited akong umuwi ng Bataan ngayong Undas?

1. Dalawang taon ko nang di nadadalaw ang nanay ko. Dapat ngayon Undas ay madalaw ko ang puntod nya.
2. Gusto kong makasama ang family ko sa province habang wala akong work para di ako ma-depress.
3. Gusto ko ng sariwang hangin.
4. Gusto kong makapanood ng ibang channel kasi wala kaming cable dito sa Makati. Nagsasawa na ako sa artista ng ABS CBN.
5. Gusto kong makakain ng seafood. Sariwang hipon, alimango at alimasag!
6. Syempre gusto kong makita ang childhood sweetheart ko! ;)

10.28.2009

"Not All Scars Show, Not All Wounds Heal"

Dahil ako ay malikot at aligaga, kaya ayan may bago na namang sugat sa aking pinakamamahal na tuhod. Malamang peklat na naman yan! Kelangan ko ng sebo de macho!

10.24.2009

Sabado Night

Pagsapit ng dilim ay pumunta kami ng sister ko sa Glorietta para bumili ng shoes at dress. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa G4 para manood ng 500 Days Of Summer. In fairness, kahit masakit ang paa ko sa kakalakad sa Mall kanina ay napawi naman ito ng panonood namin. Maganda ang palabas at talagang ire-recommend ko 'to sa lahat ng kakilala ko.

Pagkatapos sa Glorietta ay tumungo naman kami sa Malate para umattend ng victory party ni Sol. Naging masaya naman ako kasi nakita ko ang mga kabarkada ko nung high school. Napansin ko lang na di ganong umiimik si Sol sa party. Di ko lam kung dahil ba 'to sa pagkamatay ng biyenan nya; sa laki ng gastos nya today o dahil sa unti lang ang pumunta sa party nya?

Anyway, balak kong magpahinga ng buong araw ng Sunday kaso bigla namang nag-text 'tong si Amadz na pumunta raw ako sa Providence mamayang 5:00 pm. Malamang birthday party nya kaso nga lang di ko sya nabati eh. Gusto ko sanang mag-stay lang sa house.. Pupunta ba ako? Bahala na nga.

10.23.2009

Better Late Than Never

8:00 pm (Friday) - Nagmeet kami ng dati kong roommate na si Jen sa Glorietta. Nagchikahan at nag-dinner na rin.

1200 mn (Saturday) - Birthday ng dati kong boss na si Guinevere. Di ako nakapunta dahil sa sobrang pagod ko sa dami ng ginawa ko maghapon. Ayun galit na galit sila sakin lalo na 'tong si kumpareng Denos-tae.

2:30 am (Saturday) - Kelangan naming magmeet ni Mareng Ann sa Mcdo kaso tinamad na akong lumabas ako kaya ayun nagalit din sya sa pagcancel ko ng date namin.

9:00 pm (Saturday) - Victory Party ni Mareng Sol. Nagsabi ako na makakapunta ako mamaya kaso 'tong sister ko eh nagyayaya na manood ng sine at magshopping. Pano ba 'to?

Di ko alam kung pano ko hahatiin ang time ko sa mga gustong makipagkita sakin hehehe. Pano pa kaya kung may lovelife ako? Haha!

10.18.2009

Goodbye Call Center

Medyo mahaba rin ang naging usapan namin ni Angel kanina tungkol sa resignation. Basta desidido na ako na hanggang Thursday nalang ako this week sa office. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako kasi makakapagpahinga na ako. Malungkot kasi mami-miss ko ang mga officemates ko na napalapit na sakin. Medyo nag-worry ako kasi baka magastos ko ang savings ko since wala na akong suswelduhin. Natatakot din ako kasi di ko lam kung saan ako magsisimula. Maghahanap ba ako ng work kagad? Ano ba talagang work ang gusto ko?

10.17.2009

Sunday

Ayoko ang araw ng Linggo kasi halos lahat ng tao ay nagpapahinga samantalang ako ay may pasok at nakikipag-usap sa mga balahurang callers ko. Nakaka-inggit yung mga natutulog maghapon o kaya naman ay pumupunta ng mall sa araw na 'to. Nakakalungkot magkalakad sa kalye nang mag-isa kasi walang gaanong tao at sasakyan na dumadaan.

Isang bagay lang naman ang nagbibigay ng kulay sa Linggo. Walang iba kundi si Martin, ang crush ko. Mula ngayon tatawagin ko na ang Sunday na Martinday. Sana lang ay di ka naka-leave o kaya naka-swap para naman masilayan kita mamaya.

All I Need by Firstcom



Lazy days, dreamin’ in the midday sun;
miles away, you’re thinkin’ bout the things that I’ve done;
I cant’ stay, time to hit the road again.

I ran along, cruisin’ down an empty road;
so long, a hundred million miles to go;
same song, playin’ on the radio, oh, oh, oh.

Refrain:
You know the days, the days gone by;
it’s like they never end, until tomorrow

Chorus:
Cause you, are all I need;
you’re my lifetime guarantee;
you, are all I need to be free.
Cause I know to think of you;
when I’m down and I’m feeling blue;
you are all I need to be free; I need to be free.

Sunny day staring at the blue-lit sky;
many ways to dream and watch the world go by;
can't stay, time to hit the road again.

[Refrain]

'Cause you, are all I need;
you’re my lifetime guarantee;
you, are all I need to be free.

[Refrain]

[Chorus]

All I need’s a little time;
to get behind this sun then cast my weight.
All I need’s a peace of this mind;
I can celebrate.

All in all, there's something to give (all in all there's something to give);
all in all, there's somethin’ to do (all in all there's somethin’ to do);
all in all there's somethin’ to live;
with you, oo, oo; with you;
ah; ah, ah, way; ah, ah, way, ay; ah, ah, way.

All I need’s a little sign;
to get behind this sun and cast this weight of mine.
All I need’s the place to find; and there I'll celebrate.
[Refrain]
All I need. Ah, ah, way; ah, ah, way, ay; ah, ah, way; ah, ah, way, ay...

10.16.2009

Pag-ibig Calamity Loan And Landbank

Dahil wala na akong pera ay kelangan kong pumunta sa Landbank para mag-withdraw kaninang 2:00 pm. Karaniwan nang madami ang tao sa loob ng bank kapag Friday pero kakaiba ang dami ng tao kanina. Umabot ang pila sa labas ng bangko dahil sa dami ng mga nag-encash ng kanilang cheque sa Pag-ibig Calamity Loan.

Sa daming bahay at kabuhayang nasira ng Typhoon Ondoy at Typhoon Pepeng ay madali na lang ang mag-file at ma-approve ang calamity loan mo sa Pag-ibig. Di mo na kelangang magpakita ng picture na lumubog sa baha ang bahay mo o kumuha ng pirma ng barangay captain nyo. Dahil dito ay maraming nag-take advantage sa loan na 'to kahit di naman sila apektado ng kalamidad. Siguro dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.

Anyway, medyo nagkainitan ang mga tao at mga security guards kanina dahil sa pila. Kung sino pa kasi ang may edad na ay sya pa itong hindi marunong pumila. Medyo nagkasagutan din ang mga taong mag-encash ng cheque at mga taong magdedeposit o withdraw lang. Lahat kasi gusto sila ang iprioritize ng bangko.

Muntik na rin akong di makapag-withdraw dahil di ko dala ang ID ko. Buti nalang at tugma ang signature ko sa passbook ko at sa withdrawal slip. Kilala na rin ako ng mga bank tellers kaya di ko na kelangang magpaliwanag kung bakit di ko nadala ang ID ko. Aba kung alam ko lang na mahaba ang pila dun ay sana sa Unionbank na lang ako nag-withdraw.

10.15.2009

Dahil May Isang Ikaw

"Walang masama sa pagmamahal.
Ang masama ay pag kinalimutan mo
ang prinsipyo mo
dahil sa pagmamahal."
- Tessa (Lorna Tolentino)

Di ko hilig ang panonood ng Filipino telenovela dahil sa maraming dahilan pero sa ngayon ay di ko nakakaligtaang panoorin ang "Dahil May Isang Ikaw" ng ABS-CBN kasi ito lagi ang palabas sa pantry pag lunch break sa office. Wala naman akong choice dahil iisa lang ang TV at baka awayin naman ako ng mga officemates ko pag nilipat ko.

Hindi naman pangit ang telenovelang 'to. Eventually nagustuhan ko na ring panoorin. Di ako fan ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa at di rin ako kinikilig sa love story nila. Ang nagustuhan ko dito ay ang love story nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Minahal nila ang isa't isa kaso di sila nagkatuluyan dahil sa long distance relationship at syempre sa kasinungalingan ng mga kontrabida na ginampanan nina Chin Chin at John Estrada. Tumanda na at nagkaron na sila ng sari-sariling pamilya pero pinagtatagpo pa rin sila ng tadhanda dahil sa mga anak nila. Medyo nakakarelate ako since di ko nakatuluyan ang mga taong minahal ko.

Anyway, bukod sa kuwento ay nagustuhan ko rin ang pag-arte ni Lorna. Una ko syang nagustuhan sa "Luksong Tinik." Hindi sya OA at nadadala ako sa iyak nya. Sana lahat ng artista ay kasing husay nya.

Rest Day

Napansin ko at ng mga kapatid ko na pumapayat at dumadami ang mga pimples ko. Nagkakaron na rin ako ng mga pasa sa katawan. Dahil siguro 'to sa stress. Ilang araw na rin naman akong nasa labas ng bahay. Simula nang umabsent ako nung September ay di na ako nakakakuha ng 100 QA kaya lagi akong nagovertime para madagdagan ang sweldo ko. Pag rest day naman ay nasa labas ako naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Medyo stressful ang mga nagdaang linggo.

Bukas ay Friday. Ipagpapaliban ko muna ang pag-overtime at paghahanap ng trabaho. Matutulog ako buong maghapon ng Biyernes hahaha.

10.14.2009

Good Night!

Gusto kong dagdagan ang mga nilalaman ng mga blogs ko dahil matagal ko na rin di na-update kaso sobrang inaantok na talaga ako. Tinatamad na akong mag-isip at mag-type. Kapag wala akong gaanong problema at walang nagpapakaba sakin ay nagiging antukin ako. Kahapon lang ay 9 hours ang sleep ko. Sana naman ay magising ako ng maaga para makapaghanap ako ng trabaho.

10.13.2009

Masaya Na Naman Ako

Kung di na enter ang exceptions last week, malamang tsugi na ako at si Gio. Muntik na rin masuspend si Lei. Haay.. Sana pumasa pa ako sa productivity hanggang sa mag-resign ako. :)

10.12.2009

Reyna Ng Sablay

96.5 ang average productivity na dapat na makuha ng isang CSR sa isang week. Kanina nalaman ko na 96.3 lang ang productivity ko last week. May isang TDO kasi na hindi ipinasa ang exceptions ko last week nung may mga tech probs. 15 minutes din yun so kung ienter nung TDO na yun ay papasa ako. Ayon sa team leader ko ay too late na raw para ihabol ang mga exceptions ko. Kasalanan ko ba kung di ginawa ng isang TDO ang trabaho nya? Kung di na talaga maaayos ang productivity ko last week ay kelangan ko na talagang magresign agad kesa naman materminate ako. Ano ba 'to.. Ang engot ko naman kasi lagi akong sablay. Kelan ba ako matututo?

10.11.2009

Nabunutan Ako Ng Tinik

1. Nagkaron na rin kami ng team meeting at naayos na ang gulo sa team. Sa wakas, nailabas ng mga teammates ko ang kanilang mga hinanakit at poot.

2. Umalis na ang mga pinsan ko kaya nakakapagsayaw na ako nang nakahubad sa loob ng bahay hehehe.

3. Isa na lang ang problema ko --- paghahanap ng bagong trabaho.

10.09.2009

Look On The Bright Side

1. Resignation
Isang buwan na lang ako sa company at talaga namang nape-pressure ako sa paghahanap ng work. Yesterday, pumunta kami ni Chrissy sa Malate at ginalugad namin lahat ng recruitment agencies. Medyo nahirapan kami sa paghahanap kasi puro domestic helpers at factory workers ang kelangan nila sa ibang bansa. Pero kahit nakakapagod at medyo di successful ay nag-enjoy naman kami kahit papano. Di ko makakalimutan ay ang pagpunta namin sa isang agency na naghahanap ng mga Filipino papuntang South Korea. May nakapaskil kasi na "POSITION: FEMALE WHO KNOWS HOW TO RIDE A HORSE" sa harap ng building nila. Basta tawa lang kami ng tawa ni Chrissy buong maghapon dahil dun.

2. Si Vino
Dumating si Vino, ang kapatid ni Vincent. Napansin ko di magkasundo ang magkapatid. Asar kami kay Vincent kasi makalat, mayabang at maingay sya. Kabaliktaran naman nya si Vino kaya kahit nasisikipan na kami dito sa bahay ay nag-enjoy naman kami na maging housemate sya. Kanina lang ay nagkaron kami ng ice cream party pero di kasama si Vincent. Baka hanggang next week nalang sila dito since naghahanap na ng house na mare-rentahan ang mommy nila.

3. Anihan Na!
Nagpapasalamat ako kasi mabilis lang na dumaan ang Typhoon Pepeng sa Isabela. Maayos naman ang kalagayan ng mga kamag-anak ko dun. Di daw sila binaha at nasiraan ng mga bahay. Medyo napahiga raw ang mga palay namin pero pwede pa ring anihin at ibenta. Sana lang ay matulungan ng gobyerno ang mga ibang tao na sobrang naapektuhan ng bagyo.

10.07.2009

Happiness

Hindi ko kelangan ng mamahalin sa ngayon.
Kelangan ko munang maging masaya
at makuntento habang single ako. :)

10.04.2009

Walang Pinagbago

Naiiinis pa rin ako.
At least nagkita kami ni Martin at wala ng bagyo.
Sige subukan kong ngumiti.

10.03.2009

Ticket


“I wouldn’t mind a ticket to the moon
if they ever go on sale”
– Martin H.

Tongue Twister

Siya si Masayang Maya
na gaya-gaya
at taga Maligaya
na gustong lumaya
kaya sumakay
sa Ayala.

I Need A Break

Absent ako today. Sabi ko may LBM ako pero ang totoo kelangan ko lang magpahinga kasi napapagod na ako talaga. Ayoko ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon pero sinusubukan kong maging masaya. Kelangan kong ikondisyon ang utak ko at tanggapin ang mga bagay na mahirap baguhin. Kelangan kong magfocus sa paghahanap ng work na gusto ko.

10.01.2009

Magulo Ang Isip Ko

Mga Bagay Na Gumugulo Sa Isip Ko:

1. 13th Month Pay
Akala ko sa November 6 pa 'to ibibigay pero napaaga dahil kay Typhoon Ondoy. Kanina ay ibinigay na sya. Sabi ko sa sarili ko pag natanggap ko na 'to ay magreresign na talaga ako. Ngayon hawak ko na ang pera pero tinatamad pa akong maghanap ng bagong work kasi nga di ko alam kung anong work ang aapplyan ko.

2. Si Vincent
Hindi talaga ako madamot at tanggap naman namin ang pinsan ko sa pag-stay nya dito sa unit. Kaso naiirita ako kasi naman napakaliit ng room namin. Tatlong tao lang talaga ang kasya sa loob ng unit pero next week ay magiging 6 kami kasi dadagdag pa si Mon at ang brother nyang si Vino.. Okay lang kung may sarili akong room kaso nga studio lang 'to. Nakakainis pa kasi yung mga maduduming pantalon nya ay isinisabit nya sa window samantalang may ropero naman. OC ako pagdating sa bahay. Ayoko ng makalat at madumi. Di rin ako makatulog dahil ang ingay nya.. Anong gagawin ko? I need space!

3. Typhoon Pepeng
Kaaalis lang nitong si Ondoy pero may parating na naman na bagong bagyo. At ang sabi pa supertyphoon daw 'to at ang pinakamasama ay dadaan sya ang Northern Luzon. Iniisip ko ang mga pananim ng mga kamag-anak at ng tatay ko sa Isabela.. Natatakot ako na baka wala nang ma-ani sa November dahil dito kay Pepeng. Sana naman ay wag na syang dumaan ng Pinas..