11.26.2009

Ang Bayan Kong Sinilangan by Asin

Ayun sa kasaysayan, ang Cotabato ay isang malaking probinsya sa Mindanao at nung 1966 ay hinati ito sa dalawang probinsya: South Cotabato at Cotabato. Nung 1973, ang Cotabato ay hinati pa sa tatlong probinsya: Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat. Naisip ko tuloy, mahahati naman kaya ang Maguindanao sa dalawang probinsya dahil sa nangyayaring gulo ngayon?

Lagi kong naririnig ang kantang "Ang Bayan Kong Sinilangan" noong bata pa ako. Paborito 'to ng parents ko. Ngayon, may kahulugan na sakin ang kantang 'to.

Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
Nagkagulo

Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
'Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, 'di ko alam ang dahilan ng gulo

Bakit nagkagano'n, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, 'di sana magulo ang bayan ko

CHORUS
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo
Ang gulo

Ako'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko

Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong 'sang kaibigan, isipin mong siya'y may puso rin katulad
mo

CHORUS
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo) sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos) sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo) sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino) ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo

11.25.2009

Kachat Si Carlo Sa Facebook

Maya: Carlo, happy birthday.
Carlo: Salamat. Batiin mo ulet ako sa birthday ko mismo.
Maya: O sige. Musta ka?
Carlo: Okay naman. Kaw musta?
Maya: Eto tambay. Nagresign na ako.
Carlo: Iniwan mo na pala si Ann dun. Bakit ka nagresign?
Maya: Napagod na ako eh..
Carlo: Buti nag-resign ka sayang lang ang talino mo dun.
Maya: Di ako matalino. Masipag lang hahaha. Hanapan mo ko
ng work.
Carlo: Ano ba ang balak mo?
Maya: Gusto ko mag-abroad o kaya bumalik sa teaching.
Carlo: Try mo sa IS.
....
..
..

Naging classmates kami ni Carlo nung first year high school. Kahit di kami naging magkaklase nung elementary ay madali kaming nagkasundo. Madaldal at mahilig sya sa Math katulad ko. Nung third year high school ay naging seatmates kami. Minsan, naikuwento nya sakin na crush nya si Karen kaso mukhang di sya gusto noon ni Karen kasi nga wala sya sa top 10. Dahil dito ay sinabi ko na dapat ay galingan nya para mapansin sya. Para mamotivate sya na taasan ang grades nya ay gumawa kami ng game. Sa exams, kung sino ang may masmababang grade saming dalawa ay magbibigay ng Potchi. Halos pantay lang ang grades namin sa mga subjects pwera lang sa Typing kasi sobrang bilis ng fingers nya sa typewriter. Nauubos ata ang allowance ko nun sa potchi pagkatapos ng mga typing drills. After ng grading period that time ay nagulat kami dalawa sa result ng grade namin. Nasama sya sa top 5 at ako naman ay ang nanguna sa class. Napatunayan nya na magaling sya at natalo ko naman ang pinakamatalinong si Karen. Effective pala ang Potchi hahaha.

Anyway, maliban sa potchi days namin, naging close din kami nung sumali kami sa COCC. Sya ang favorite ng mga officers na pahirapan sa batch namin noon. Pag uwian na, lagi syang dumadaing na masakit ang dibdib nya dahil sa mga kaldag ng mga hayup na officers. Minsan nga nakikita ko sya sa pathway ng school na sumasayaw ng Ricky Martin syempre wala naman syang magawa kasi pinagtripan na naman sya. Kasama namin ang iba naming classmates noon sa pagtatago sa mga lintek na officers. Kahit sobrang hirap at gastos ay di kami nag-quit dahil matatapang kami haha.

Nung 1998, a day before birthday nya ay bumuo kami ng isang group. 23 kami na members. 10 ang lalake at 13 naman ang girls. Halos lahat ng members ay kasama sa COCC. Sa lahat ng mga lalaking members, sa kanya ako naging pinakamalapit. Si Carlo kasi yung tipo ng lalake na kahit na maghubad ka sa harap nya ay hinding hindi ka mababastos. Hindi lang ako ang malapit sa kanya kundi halos lahat ng babae. Bestfriend sya ng lahat. Kaya siguro sya laging napagkakamalang bading noon kahit na ilang beses nyang itanggi na sya ay bading ay dahil sa mga babae.

Pagdating nung 4th year high school ay naging officers na kami. Yun yung time na tumakbo sya council kaso natalo sya ni Karen. Pero kahit talo sya ay panalo naman sya sa mga chicks. Eto yung year kung kelan sya naging heartthrob. Hanggang sa bowling center na tinatambayan namin ay sinusundan sya ng mga freshmen. Sya rin ang officer na kinahumalingan ng mga nag-COCC na classmate ng sister ko. Minsan nga parang sinasadya pa nilang magkamali sa batallion formation namin para lang mapansin ng kanilang "Sir Carlo". Syempre, hindi lang sya napansin noon kundi minahal din sya. Sya ata ang first love nina Lane, Sol at Udang. Natatandaan ko pa na hindi ako pinansin ni Lane noon kasi nga si Udang ang gusto kong makatuluyan niya. Hanggang ngayon ay di ko pa rin ma-gets kung pano sila nag-fall kay Carlo. Ako naman ay never na nagkagusto sa kanya. Mahal ko sya pero bilang kapatid at ganun din naman sya sakin.

Anniversary ng barkada namin sa November 27 at birthday nya naman sa November 28. Kadalasan napagpapalit ko ay date na yan kaya minsan ay nagtatampo sya sakin. Sana di ko makalimutan na batiin sya sa tamang date haha.

Alam ko na gift ko sa kanya, diba Nikki Valdez? ;)

11.24.2009

One Sided Love

Ito ay para sa mga katulad nina Red at Patricia (at para sa'yo din).

11.23.2009

Rest

"Sometimes the most urgent thing
you can possibly do
is take a complete rest."
- Ashleigh Brilliant

Kausap Si Papa Sa Telepono

Papa: Kumusta ka?
Maya: Ok naman. Kayo kumusta kayo diyan? Di ko na tinuloy yung para
sa Singapore..
Papa: Ayos naman. Ang mahal naman kasi ng placement fee.
Maya: Di yung placement fee ang mataas kundi yung interest. Hintayin ko kung may mga tatawag pang ibang agencies.. Kelangan ko na muna atang maghanap ng work dito at itigil muna ang pag-abroad eh.
Papa: May pera ka pa ba? Magpapadala na ba ako ng pera nyo?
Maya: Hindi okay lang may pera pa naman ako. Ay baka umuwi kami nina Meg dyan sa weekend.
Papa: O sige..
....
...



Sabi ko okay lang ako kahit hindi. Naiinip na ako sa kakahantay ng tawag galing sa mga recruitment agencies. Nanghihinayang tuloy ako dahil sa pinalagpas kong opportunity.. Baka mamaya eh sa sobrang inip ko ay bumalik ako sa call center o kaya naman ay tanggapin ko ang trabahong di ko gusto. Haaay nakakadepress talaga.

11.21.2009

Si Carol Ng Pinoy Big Brother Double Up


X: I don't like Carol! Dapat sya ang na-evict.
Maya: Bakit ayaw mo kay Carol? Dahil iyakin sya?
X: Malandi si Carol! Teacher pa man din tas sobrang landi. Dapat sya ang na-evict.
Maya: Ah okay.

Sa totoo lang di ko rin naman gusto si Carol. Kaya ko lang naman sya naiboto ay dahil sa gusto kong maunang ma-evict sina Hermes at Mariel. Ngayon lang ako naman ako na-addict manood ng Pinoy Big Brother kasi nga wala akong work. Siguro kelangan ko ng maging busy para naman mabawasan ang kakapanood ko ng TV.

Nga pala, si X ay ang kaibigang kong teacher na napilitang magresign kasi nga nabuntis sya ng di nya asawa. Nakakatawa kasi sya pa ang nagsasabi na malandi daw si Carol! Hahaha.

11.16.2009

Aja!


4pm ang schedule ng appointment ko sa agency at 335pm palang ay dumating na ako dun. Kaso 515pm na ay di parin ako pinapatawag ni Miss Beth sa table nya at clueless ako kung bakit ako pinapunta dun. Sabi nung isang officemate nya ay kausap daw nya ang employer na gustong kumuha sakin. Kung alam ko lang eh di sana ay di na pala ako nag-taxi papunta dun at sana natulog muna ako. Aba almost 2 hours akong naghintay ah.

Anyway, tama ang hinala ko. Sinabi ng employer kay Miss Beth na i-convince ako na tanggapin ang tourist visa at sa Wednesday or Thursday na ako pinapapunta sa Singapore. Pinakita sakin ni Miss Beth ang contract at iba pang documents na nagpapatunay na inaasikaso nila ang s-pass ko kaya di daw dapat ako mag-worry.

Sabi ni Miss Beth ay mag-isip daw akong mabuti kasi kung sya raw ang tatanungin ay di nya tatanggapin ang tourist visa at baka raw mademanda sya. Syempre di naman ako tanga para tanggapin yun. Akala ko pa naman ay strict sa Singapore pero eto ngayon ang employer mismo ang nagsasabing magtrabaho ako na tourist visa lang. Ang nakakainis pa ay gusto nilang magdala ako ng 100,000 pesos papuntang Singapore. Sabi nila kelangan ko daw bayaran ng P40,000 ang house kung san ako magstay at yung P60,000 naman daw ay para sa allowance ko for the first month. After one month pa ko pa daw makukuha ang sweldo ko.

Nung November 7 sa orientation ay malinaw na sinabi nila na allowance lang ang dadalhin namin dun at sila ang bahala sa bahay. Sinabi rin nila na 2000 Singapore dollars ang sweldo pero kanina nakalagay sa contract na 1,800 lang. Admin Assistant din ang nakalagay na position ko sa application for S-Pass. Sinabi ko kagad kay Miss Beth na di ko tinatanggap ang alok nila. Sa totoo lang naiinsulto ako sa alok ng employer. Akala ata nila ay masyadong desperado ang mga Filipino sa paghahanap ng work sa kanila para bigyan nila ng tourist visa. Haaay.. Nakaka-depress. Maghahanap ulet ako ng bagong recruitment agency at next week maghahanap na rin ako ng work dito sa Pinas. Kaya ko 'to..

11.14.2009

Nag-text Si Miss Beth

Pinapapunta ako sa agency sa Monday at magsuot daw ako ng business attire. Sa lahat ng kasabayan kong nag-apply ay ako lang ang halos araw-araw na pinababalik sa agency at di na ako natutuwa. Ayaw naman nilang sabihin kung isa na namang interview ito. Lahat ng kasabay ko ay minsan lang na-interview ng dalawang employer na taga Singapore. Nung Saturday, 4 na beses akong na-interview at apat na Singaporean pa sila. Kahapon ng umaga naman ay nag-video conference kami ng isang principal sa Singapore para pag-usapan ang mga responsibilities ko at pagdating sa hapon ay tinawagan ako ng agency para sabihing inaalok ako ng tourist visa ng employer.

Di ko alam kung panibagong interview or orientation ang mangyayari sa Monday o kung inconvince nila ako na pumayag sa tourist visa para makalipad na ako on Wednesday.. Haaay.. Naiinis na ako at gusto ko nang kunin ang mga documents na naipasa ko sa agency kaso nga lang after 2 months ko pa pwede makuha kasi may penalty.

11.13.2009

Friday The 13th

Maraming naniniwala na malas ang Friday the 13th pero ako hindi. Kadalasan nga sinuswerte ako pag 13 siguro ay dahil sa ang birthday ko ay 13 hehehe.

Anyway, kanina pagkagaling ko sa registrar habang nasa jeep ako ay bigla akong tinawagan ng agency. Nasagot ko ang tawag nila nung nasa MRT sa Quezon Ave Station na ako. Tumawag daw sa kanila ang employer at tinatanong ako kung gusto ko na daw na lumipad papuntang Singapore next week. Nagulat naman ako. Natuwa ako kaso sinabi ko na di pa ako kumpleto sa documents at baka sa Wednesday ko pa makukuha ang TOR at diploma authentication. Sinabi ng agency na mag-isip akong mabuti kasi tourist visa lang ang ibibigay sakin pag next week ako nagpadeploy since kulang ng documents. Gusto ng agency na kumpletuhin ko muna ang documents kasi kung tatanggapin ko ang tourist visa ay wala akong insurance so kung may mangyari sakin sa Singapore ay wala akong habol at saka ang malilintikan ay ang agency dito sa Pinas kung nagkataon. Syempre di naman ako tanga. So sabi ko willing ako pumunta sa Singapore ASAP kung may accreditation na ng POEA at OWWA at dapat properly documented. Saka nagpagod ako para ayusin lahat ng mga documents ko tas di naman pala magagamit kung papayag ako sa alok nila. Medyo kelangan ko pa rin ng pahinga kahit isang week lang kasi nilalagnat din ako ngayon.

Di ko lang alam kung nagustuhan ng employer ang sagot ko kasi sabi nila kelangan na kelangan na daw nila ako dun. Parang nainis sila sa pagreject ko sa alok nila.. Buti nalang suportado ng agency ang desisyon ko na hintayin ang lahat ng documents. Sabagay malalagot sila pag may nangyari sakin at tourist visa lang. Haay.. Masaya na nga ako kaninang umaga dahil maganda ang kinalabasan ng mga interviews at exams ko kaso biglang pumangit pagdating sa hapon. Sana may dumating na ibang opportunity..

Minalas ba ako sa araw na 'to? Sus di naman ako naniniwala sa malas at swerte.

11.11.2009

Si Teacher Mimosa

Tinext ko nung Tuesday night ang dating professor at employer ko na si Teacher Mimosa at di sya nagreply. Kanina pumunta ako sa school kung san sya nagtuturo para makakuha ako ng Certificate of Employment.

Tama ang hinala ko. Walang nagbago sa kanya. Hanggang ngayon ay single pa rin sya. Professor pa rin sya sa dalawang universities dyan sa Quezon City; sya pa rin ang principal ng school kung saan ako unang nagturo, at syempre preschool teacher pa rin sya sa kindergarten sa likod ng college namin.

Maya: Hi teacher Mimosa. Kumusta na po kayo?
Teacher Mimosa: Hello, aba napadalaw ka. Kumusta ka na? Nag-asawa ka na rin ba? (beso beso)
Maya: Naku single pa rin po ako teacher.. Anyway, did you get my text last night po?
Teacher Mimosa: Text? Ay wala akong natanggap na text.. Ano bang tinext mo?
Maya: Naku baka nga di nyo natanggap kasi mga 9pm na yun eh.
Kasi po kelangan ko po sana ng...
Teacher Mimosa: Certification ba?
Maya: Ha? Opo...


Hmmm, teka lang akala ko ba di mo natanggap ang text ko last night? Bakit alam mo na certification ang ipinunta ko? Teacher, di ka pa rin talaga nagbago.. Hahaha.

11.09.2009

Starbucks Planner 2010

Starbucks Planner

Mga Planner Ko Mula 2005 Hanggang 2008

Malapit na ang pasko kaya uso na naman ang wishlists at syempre pagdating sa mga wishlists, hinding hindi mawawala ang Starbucks Planner. Ano bang meron sa planner na 'to at madami ang desperadong makakuha? Siguro sa bawat sampung kakilala ko, pito sa kanila ang gustong magkaron ng planner. Ang nakakatawa lang ay isa lang sa kanila ang gagamit nito hanggang matapos ang taon.

Anyway, mahilig din ako sa planner. High school pa lang ako ay gumagamit na ako nito. Pero kahit kelan ay di pa ako nagkaron ng Starbucks Planner. Masgusto ko kasi na bumili ng mura tas saka ko gagawing parang scrapbook. Ayoko ng may kapareho.

Di ko pa alam kung anong planner ang gusto ko for 2010. Maganda naman ang planner ng Starbucks. Di mo 'to mabibili sa bookstore o kahit na sa anong department store. Bat hindi nalang kaya ako makisama sa uso? Mag-Starbucks Planner na din kaya ako? Hahaha.

11.08.2009

Haaay..

Magulo ang utak ko ngayon. Di ko alam kung may mabuting kahihinatnan ang desisyon ko. Masaya ako pero kinakabahan. Di ko alam kung anong mangyayari kinabukasan.. Sana tama ang ginawa ko.

11.06.2009

I Can't Sleep

Dahil ba marami na namang nag-iisip sakin o madami na naman akong iniisip? Babalik pa ako sa Tuesday ng 8:00 am para sa clearance at exit interview ko. Haay, ang hirap naman palang mag-resign.

11.02.2009

Nilibot Ko Ang Mariveles





Kadadaan lang ni Typhoon Santi sa Bataan kaya di namin ini-expect na magiging maaraw sa All Saints Day. Maagang nagising si Papa para pumunta sa sementeryo at pinturahan ang puntod ni Mama. Sumunod kami sa kanya mga bandang 10am. Nakalibing si Mama sa public cemetery kaya medyo nahirapan pa kaming hanapin kung nasaan ang puntod nya. Maingay ang paligid at madaming tao. May nagsusugal at may nagpipiknik sa paligid. Pagdating namin dun ay nagtirik kami ng kandila at nag-stay ng one hour. May mga sandaling tahimik kami at minsan naman ay nagkukuwentuhan. Nung matunaw na ang mga candles ay umalis na kami at dumaan sa Jollibee para kumain.

Pagkatapos naming mananghalian ay napagkasunduan naming maglakwatsa muna. Tutal araw ng mga patay ay alalahanin na rin ang mga namatay na sundalo nung World War II. Una naming pinuntahan ay ang lugar kung saan nagsimula ang Death March. Sa lugar na 'to makikita ang flags ng Philippines at USA; isang baril na nakabaon sa lupa at mga naukitang bato. Pagkatapos naming basahin ang mga nakasulat sa mga bato ay nagkuhanan kami ng pictures. Nag-stay din kami dito ng mahigit 30 minutes. Bago kami umuwi ay dumaan na rin kami sa Matel Beach at nanood ng mga naliligo; namamangka at nagde-date. Hapon na nung makarating kami sa bahay.

Maaga kaming nagising ng Lunes, All Souls Day. Pumunta kami sa Baranggay Sisiman para umakyat ng bundok. Hanggang sa Grotto lang ang naakyat namin kasi nagreklamo ang bunso namin na tinatamad na syang umakyat hanggang sa tuktok. Pagbaba namin ay dumiretso naman kami sa dagat at nagkuhanan ng pictures sa tabi ng isang lumang lighthouse. Kahit walang damit na dala ay natukso ang mga kapatid ko sa paliligo. Nainggit din si Papa kaya ayun sumunod na rin. Gustuhin ko man na maligo ay may mens ako. Ayun, kinuhanan ko na lang sila ng pictures. Mahirap pag ikaw ang may hawak ng camera kasi wala kang picture.

Medyo nakakapagod pero nag-enjoy naman ako sa bakasyon ko ngayong November.