8.14.2009

Lamay

Kahapon umuwi kami ng sister ko para dalawin ang namatay naming Uncle sa Bataan. Bukas ay dadalhin sya sa Pangasinan para dun ilibing. Gusto man ng asawa nya na ilibing sya sa Bataan ay wala silang magawa kasi yun ang bilin nya bago sya namatay.

Pinaka-Ayaw Ko:

Kapag dumadalaw ako ng lamay, pinaka-ayaw kong nakikita ang mga nagsusugal. Saklaan ata ang tawag dun. Kahapon parang may birthday ang pinuntahan namin kasi masyadong malakas ang mga boses ng mga nagsasakla. Nakakainis kasi nagdadalamhati yung family at friends ng namatay pero sila ang iingay nila at minsan nagtatawanan pa habang nagsusugal. Pakiramdam ko nabababoy ang lamay ng Uncle ko.

Pinaka-Gusto Ko:

Malungkot ang lamay. Kung meron mang magandang nangyayari, ito yung pagdalaw at pakikiramay ng mga kaibigan at kamag-anak. Minsan nga parang family reunion pa 'to. Yung mga kamag-anak at kaibigan na di mo nakita nang matagal na panahon ay saka naman nagpapakita pag may namatay. Kung di pa namatay si Uncle C ay di ko pa makikilala ang ibang mga pinsan ko.

Pinaka-Weird:

Pinaka-weird na nangyari ay ang pagkikita namin ng isang misteryosong lalake. Pagdating palang namin sa lamay ay narinig ko na tinawag ang pangalan ko. Kala ko guni-guni lang yun pero sabi ng brother at sister ko tinawag daw ako ng isang lalake. Di ko na nilingon kasi hindi naman sya ang pakay namin dun. Nalaman ko na lang sa mga kapatid ko na tinititigan daw ako nung guy. Medyo naging curious ako kaya tiningnan ko na. Malabo ang mga mata ko pero madali ko namang ma-recognize ang face ng isang tao pag tinitigan ko nang matagal. Pero kahit anong gawin kong titig ay di ko talaga sya makilala. Di ko lam kung naging classmate ko sya o kapit-bahay dati. Bago kami umuwi ay lumapit pa sya sa may pwesto namin kaso di naman kami nagka-usap kasi kasama ko sina Papa. Nagkatitigan lang kami. In fairness, cute sya. Naalala ko tuloy yung psych test para malaman kung may tendency na maging kriminal ang isang tao. Syempre di ko naman gustong magkaron ulet ng lamay para lang makita sya ulet.


Umuwi kami sa bahay nang hating gabi na. Di na kami nakapagkwentuhan nina Papa kasi 6am ang pasok nya kinabukasan at pagod na rin sya. Natulog na kagad kami. Gusto ko sanang magtagal sa Bataan para makapagpahinga ako kaso nagpilit umuwi kagad ang sister ko kaya ngayon andito na naman ako sa Makati. Parang gusto kong bumalik ulet ng Bataan para makita ko yung mysterious guy hehe.

No comments: