9.11.2009

Ibon Nakikipag-usap Sa Pagong



Yan Yan The Turtle

Sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Nagising ako nang 1:00 am ng madaling araw ng Biyernes para mag-internet. Pagkatapos ay di na ako nakatulog. Pagdating ng 8:00am ay naglinis ako ng bahay, nagtapon ng basura at nagpalaba ng mga maduduming damit.

Pagkatapos ng Operation Linis ko ay dumiretso naman ako sa Waltermart para magbayad ng bill sa Smart Bro. Dumaan na din ako sa department store para bumili ng shirt. Pagkatapos sa Waltermart ay pumunta naman ako sa Unionbank para maghulog para sa savings ko. Di kasi ako nakapaghulog last month so 70% ng sweldo ko ngayon ay na-deposit ko. Dumating ako sa bahay ng mga alas dose na ng tanghali. Kumain ako at pagkatapos ay humiga para matulog pero di rin ako nakatulog. Bumangon ako ng alas dos para mag-prepare kasi may shift ako kanina ng 3:30pm to 7:30pm. As usual, queueing na naman! Ang mga taga SMS, nag-take na ng calls hahaha!

Pagkatapos ng shift ko ay dumiretso na naman ako sa Waltermart para bumili ng blouse at isang pair of shoes. Pagkatapos sa Waltermart ay umuwi na ako sa bahay. Wala akong nadatnan kundi si Yan Yan kaya nakipag-usapan at nakipaglaro lang ako sa kanya. Dati mahiyain tong si Yanyan pero ngayon ay makulit na. Tingin ko masmakakabuti sa kanya na tumira sa lugar na may mga kasama syang pagong.. Alam ko gusto nyang maging malaya kaso anong magagawa ko eh pet sya ng sister ko?

Pagkatapos ko makipagkasatan kay Yanyan ay nag-internet na ulit ako. Nakipag-chat ako at naghanap ng mga pwedeng mapapanood na film kaso wala naman akong nagustuhan.

Ngayon ay 5:11am na ng Sabado at kanina pa tulog ang mga kapatid ko at pati si Yanyan.. Tulog na rin ang mga ka-chat ko. Heto ako gising pa rin.. Haay.. Adik ba talaga ako?

No comments: