Kadadaan lang ni Typhoon Santi sa Bataan kaya di namin ini-expect na magiging maaraw sa All Saints Day. Maagang nagising si Papa para pumunta sa sementeryo at pinturahan ang puntod ni Mama. Sumunod kami sa kanya mga bandang 10am. Nakalibing si Mama sa public cemetery kaya medyo nahirapan pa kaming hanapin kung nasaan ang puntod nya. Maingay ang paligid at madaming tao. May nagsusugal at may nagpipiknik sa paligid. Pagdating namin dun ay nagtirik kami ng kandila at nag-stay ng one hour. May mga sandaling tahimik kami at minsan naman ay nagkukuwentuhan. Nung matunaw na ang mga candles ay umalis na kami at dumaan sa Jollibee para kumain.
Pagkatapos naming mananghalian ay napagkasunduan naming maglakwatsa muna. Tutal araw ng mga patay ay alalahanin na rin ang mga namatay na sundalo nung World War II. Una naming pinuntahan ay ang lugar kung saan nagsimula ang Death March. Sa lugar na 'to makikita ang flags ng Philippines at USA; isang baril na nakabaon sa lupa at mga naukitang bato. Pagkatapos naming basahin ang mga nakasulat sa mga bato ay nagkuhanan kami ng pictures. Nag-stay din kami dito ng mahigit 30 minutes. Bago kami umuwi ay dumaan na rin kami sa Matel Beach at nanood ng mga naliligo; namamangka at nagde-date. Hapon na nung makarating kami sa bahay.
Maaga kaming nagising ng Lunes, All Souls Day. Pumunta kami sa Baranggay Sisiman para umakyat ng bundok. Hanggang sa Grotto lang ang naakyat namin kasi nagreklamo ang bunso namin na tinatamad na syang umakyat hanggang sa tuktok. Pagbaba namin ay dumiretso naman kami sa dagat at nagkuhanan ng pictures sa tabi ng isang lumang lighthouse. Kahit walang damit na dala ay natukso ang mga kapatid ko sa paliligo. Nainggit din si Papa kaya ayun sumunod na rin. Gustuhin ko man na maligo ay may mens ako. Ayun, kinuhanan ko na lang sila ng pictures. Mahirap pag ikaw ang may hawak ng camera kasi wala kang picture.
Medyo nakakapagod pero nag-enjoy naman ako sa bakasyon ko ngayong November.
No comments:
Post a Comment