Maya: Carlo, happy birthday.
Carlo: Salamat. Batiin mo ulet ako sa birthday ko mismo.
Maya: O sige. Musta ka?
Carlo: Okay naman. Kaw musta?
Maya: Eto tambay. Nagresign na ako.
Carlo: Iniwan mo na pala si Ann dun. Bakit ka nagresign?
Maya: Napagod na ako eh..
Carlo: Buti nag-resign ka sayang lang ang talino mo dun.
Maya: Di ako matalino. Masipag lang hahaha. Hanapan mo ko
ng work.
Carlo: Ano ba ang balak mo?
Maya: Gusto ko mag-abroad o kaya bumalik sa teaching.
Carlo: Try mo sa IS.
....
..
..
Naging classmates kami ni Carlo nung first year high school. Kahit di kami naging magkaklase nung elementary ay madali kaming nagkasundo. Madaldal at mahilig sya sa Math katulad ko. Nung third year high school ay naging seatmates kami. Minsan, naikuwento nya sakin na crush nya si Karen kaso mukhang di sya gusto noon ni Karen kasi nga wala sya sa top 10. Dahil dito ay sinabi ko na dapat ay galingan nya para mapansin sya. Para mamotivate sya na taasan ang grades nya ay gumawa kami ng game. Sa exams, kung sino ang may masmababang grade saming dalawa ay magbibigay ng Potchi. Halos pantay lang ang grades namin sa mga subjects pwera lang sa Typing kasi sobrang bilis ng fingers nya sa typewriter. Nauubos ata ang allowance ko nun sa potchi pagkatapos ng mga typing drills. After ng grading period that time ay nagulat kami dalawa sa result ng grade namin. Nasama sya sa top 5 at ako naman ay ang nanguna sa class. Napatunayan nya na magaling sya at natalo ko naman ang pinakamatalinong si Karen. Effective pala ang Potchi hahaha.
Anyway, maliban sa potchi days namin, naging close din kami nung sumali kami sa COCC. Sya ang favorite ng mga officers na pahirapan sa batch namin noon. Pag uwian na, lagi syang dumadaing na masakit ang dibdib nya dahil sa mga kaldag ng mga hayup na officers. Minsan nga nakikita ko sya sa pathway ng school na sumasayaw ng Ricky Martin syempre wala naman syang magawa kasi pinagtripan na naman sya. Kasama namin ang iba naming classmates noon sa pagtatago sa mga lintek na officers. Kahit sobrang hirap at gastos ay di kami nag-quit dahil matatapang kami haha.
Nung 1998, a day before birthday nya ay bumuo kami ng isang group. 23 kami na members. 10 ang lalake at 13 naman ang girls. Halos lahat ng members ay kasama sa COCC. Sa lahat ng mga lalaking members, sa kanya ako naging pinakamalapit. Si Carlo kasi yung tipo ng lalake na kahit na maghubad ka sa harap nya ay hinding hindi ka mababastos. Hindi lang ako ang malapit sa kanya kundi halos lahat ng babae. Bestfriend sya ng lahat. Kaya siguro sya laging napagkakamalang bading noon kahit na ilang beses nyang itanggi na sya ay bading ay dahil sa mga babae.Pagdating nung 4th year high school ay naging officers na kami. Yun yung time na tumakbo sya council kaso natalo sya ni Karen. Pero kahit talo sya ay panalo naman sya sa mga chicks. Eto yung year kung kelan sya naging heartthrob. Hanggang sa bowling center na tinatambayan namin ay sinusundan sya ng mga freshmen. Sya rin ang officer na kinahumalingan ng mga nag-COCC na classmate ng sister ko. Minsan nga parang sinasadya pa nilang magkamali sa batallion formation namin para lang mapansin ng kanilang "Sir Carlo". Syempre, hindi lang sya napansin noon kundi minahal din sya. Sya ata ang first love nina Lane, Sol at Udang. Natatandaan ko pa na hindi ako pinansin ni Lane noon kasi nga si Udang ang gusto kong makatuluyan niya. Hanggang ngayon ay di ko pa rin ma-gets kung pano sila nag-fall kay Carlo. Ako naman ay never na nagkagusto sa kanya. Mahal ko sya pero bilang kapatid at ganun din naman sya sakin.
Anniversary ng barkada namin sa November 27 at birthday nya naman sa November 28. Kadalasan napagpapalit ko ay date na yan kaya minsan ay nagtatampo sya sakin. Sana di ko makalimutan na batiin sya sa tamang date haha.
Alam ko na gift ko sa kanya, diba Nikki Valdez? ;)
No comments:
Post a Comment