12.01.2009

On Line English Teacher

November 26, Thursday - Nagtext sakin ang isang kumpanya na umattend daw ako ng interview sa November 27. Nagconfirm naman ako at sabi ko ay pupunta ako ng 1pm dun.

November 27, Friday - Nagtext ako sa kanila para iresched ang interview ko. Sabi ko kung pwede next week na lang. Pumayag naman sila at sabi sige daw pumunta daw ako ng 10am sa November 30.

November 30, Monday - Tinext ko ulet sila at sabi ko nasa province ako kaya di ako makaka-attend ng interview. Tinanong ko kung pwede sa December 1 ng mga bandang 10am. Nagreply sila ng "K".

December 1, Tuesday - Late na ako nagising kaya di ako naka-attend ng interview ng 10am pero pumunta pa rin ako dun at around 1pm. Nakarating ako sa office nila nang mag-alas-dos na dahil nahirapan akong hanapin ang kanilang opisina sa kahabaan ng EDSA. Pagdating ko dun ay tinanggap naman nila ang resume ko at pinag-take nila ako ng exams. Pagkatapos ng written exams ay typing test naman. After ng typing test ay ininterview ako ng isang Filipino at sumunod ay isang Korean. Ang huli ay phone interview. Sa awa ng Diyos ay nakapasa naman ako.


Sabi nila tatawagan nalang nila ako para sa schedule ng training since dalawa palang kami sa batch namin. Okay lang naman sakin na di pa mag-start ang training kasi gusto ko pa maghanap ng ibang work. Medyo di pa ako kuntento sa work ko ngayon. Ayaw ko kasi sa place dahil kelangan kong tumawid sa EDSA ay medyo mahabang lakaran sa init ng araw ang gagawin ko pa bago makarating sa opisina. Medyo di rin ako na-impress sa office nila kasi di sila organized at saka ang pangit din ng building nila. Bukas ay magsubmit ako ng documents sa 2 agencies na nangangailangan ng mga teachers for Singapore at next week ay maghahanap pa ako ng ibang work dyan sa may bandang Ortigas. Kung di ako papalarin sa pag-aabroad ay magtyatyaga muna akong magtrabaho dito sa Pilipinas bilang isang Online English Teacher para kahit papano ay madadagdagan ang experience ko sa teaching.

1 comment:

Anonymous said...

hi...ask ko lang what korean company ang inapplayan mo? thanx. im interested kasi.