Last year, nasawi ako sa pag-ibig. Galit ako at magulo ang utak ko. Ewan ko ba kung anong masamang hangin ang pumasok sa mind ko at bigla kong tinext ang isang chatmate na matagal nang nangungulit. Sinabi ko sa kanya na willing na akong makipag SEB sa kanya.
Nung nagkita kami ay sumakay kagad kami sa taxi at pumunta sa isang motel. Habang nasa taxi ay medyo napaisip ako. Napatanong ako sa sarili ko kung tama ba ang gagawin ko. Nakilala ko lang sya sa chatroom at that day ko lang din sya na-meet in person. Kinabahan ako nang sobra.
Pagdating sa room ay sinabi ko sa kanya na kinakabahan ako at baka di ko kayang ibigay sa kanya ang gusto nya. Swerte ako kasi di naman sya namilit. Sinabi nya na gawin ko kung ano ang kaya kong gawin. Kaya ayun naglandian kami at tingin ko naman ay nakaraos sya kahit di sya satisfied. Di ko kinaya na isuko sa kanya ang Bataan. Di ako conservative kaso natakot talaga ako that time. What if killer pa la sya? Natakot din ako na magka STD. Natakot akong mabuntis sa hindi tamang panahon. Natakot akong may makakita sakin at masira ang reputation ng family ko. Natakot akong magkaron ng emotional attachment. Natatakot akong masaktan ulet.
Pagkatapos nang araw na yun ay di na ako nakipagkita sa kanya although gusto nyang makipagkita para makarating daw kami sa ibang level. Minsan na-te-tempt akong makipagkita sa kanya kasi curious akong malaman ang real name nya.
Anyway, ngayon ay sawi na naman ako pero naipangako ko sa sarili ko na di na ako gaganti lalo na sa ganung pamamaraan. Masama ang paghihiganti lalo na kung sa taong mahal mo ito gagawin. Sa bandang huli ikaw lang din ang masasaktan.
Ngayong araw na 'to ay bumalik na ang mga ngiti ko. Hehehe.
No comments:
Post a Comment