Maraming nakakabwiset sa office:
1. Ang Registrar Head. Pinagsabihan nya ako dahil sa inutusan ko ang isa sa mga messengers nang walang paalam. Sabi nya dapat daw ay pinadaan ko muna ang documents sa kanya bago ako nag-utos. Aba, pano ko ipapadaan sa kanya eh wala pa sya ng 8:00am at saka ang nag-utos nun ay ang anak ng CEO mismo. Malinaw na sinabi ng anak ng CEO na dapat maipadala yun kagad sa lawyer ng 8:00 am at di dapat makita ng ibang employees yun dahil nga confidential. Naman!
2. Ang Marketing Head. Inutusan nya akong magtype ng 30 letters. Magaan lang naman ang trabahong ito kaso may secretary naman sya. Bakit sakin binibigay ang trabaho ng secretary nya, aber? Saka dapat sa CEO at Vice President lang ako magrereport. Sila lang ang may karapatang mag-utos.
3. Ang Corporate Affairs Officer. Last week, sinabihan ako ng Business Development Officer na paikliin ko lang ang mga emails na sini-send ko sa kanila para di kumplikado. Kung pwede daw ay puro acronyms nalang ang gamitin ko para masmadali nilang mai-file. Kaso eto namang Corporate Affairs Officers ay napansin ito at sinabihan ako na gawing formal ang lahat ng mga sini-send kong emails para sa mga officers. Hay naku!
4. Ang Operations Manager. Nagrereklamo sya kasi di nya raw ma-open ang mga -documents na sini-send ko sa kanya. Bakit kaya di sya humingi ng assistance sa IT specialists namin para naman di na Word 1997 ang gamit nya.
5. Ang Accounting Manager. Nagtampo daw sya sakin kasi nilagay ko sa report ko na "absent" sya. Dapat daw sa susunod eh gawin kong "not present" para di raw ganong pangit basahin at pakinggan. Sus!
No comments:
Post a Comment