Pinatawag ako kanina ng Admin Manager dahil sa minutes of the meeting na ginawa ko. Nagtataka sya kung bakit yung iba dun ay di naman pinag-usapan sa meeting pero nakasulat. Aba eh anong magagawa ko kung gusto ng Corporate Affairs Officer na i-edit ang ginawa ko. Dahil sa ginawa nya ay nadadagdagan ng trabaho si Admin Manager.
Etong dalawang officers na 'to ay talagang laging nagbabanggaan. Parang katulad nung meeting namin two weeks ago, nagbigay ng suggestion si Admin kaso si Corporate Affairs Office ay kumontra naman. Nagmukha tuloy engot ang Admin Manager.
No comments:
Post a Comment