2.08.2010

Pag-ibig At Trabaho

Maya: Bakit ganun? Pagdating sa love, malas ako.

Meg: Di ka malas. Masyado ka lang mapili.

Maya: Di naman ako mapili. Di nga ako mahilig sa gwapo eh.

Meg: Ayaw mo sa may gusto sa'yo tapos yung di pwede yun ang gusto mo. Lagi kang ganyan.

Maya: Eh hindi ko nga gusto eh bat ko pa paaasahin?

Meg: Subukan mo lang naman. Malay mo naman ma-develop ka.


After 10 minutes.


Maya. Bakit ganun? Wala pang trabaho ang nagpasaya sakin? Bakit sina Joan at Cora sobrang happy sa work nila kahit na paulit-ulit lang ang ginagawa at mababa pa ang sahod nila?

Meg: Madali kasi silang makuntento.

Maya: So ako ang may problema?

Meg: Nagtagal ka naman sa call center. Naging happy ka dun dahil sa officemates mo at pera kaso may iba ka pang gusto. Dapat matuto kang makuntento. Kung ano ang nandyan eh tanggapin mo.

Maya: So kelangan kong makuntento? Ako nga ang may problema?

1 comment:

Unknown said...

contentment leads to happiness... look at a glass as half full.. instead of seeing it half empty. :D