Sa sobrang inis ni Eiderf sa mga friends namin dahil di sya invited sa swimming ay bigla nya akong niyaya sa Figaro kanina. As usual, 1 hour before nung date namin ay nag-text sya at sinabi nyang tomorrow nalang daw kami mag-date. Ay sus, as if naman naniwala ako na ililibre nya ako sa Figaro. Alam ko naman na kuripot sya at galit sya kanina kaya nya ako biglang niyaya. Nung sinabi ko sa kanya na nasa Glorietta nako, ang totoo ay nasa bahay palang ako at nanonood ng TV. Napakasinungaling ko talaga. Kung sinabi nyang tuloy ang date namin ay malamang late ako ng two hours hahahah!
Anyway, pagdating ng 8 pm ay si Mareng Ann naman ang nagtext at nagyaya ng inuman sa Central. Dahil anti social ako ngayon kaya sinabi ko na inaantok na ako. Syempre alam nyang nagsisinungaling ako kasi late akong matulog.
Talagang wala ako sa mood na lumabas ngayon kasi depressed ako. Sino ba naman ang di madedepress? Gustung gusto kong bumalik sa school kaso lang di ako nakapagsubmit ng requirements. Di ako umabot sa deadline. Badtrip. Siguro second sem nalang ako papasok. O baka talagang di na ako babalik sa school. Haay ewan..
1 comment:
Sayang naman ang mga araw na palilipasin mo,ikaw rin ang mahuhuli sa biyahe na darating.
Post a Comment