Gusto ko si AZ at gusto nya rin ako kaso lang ay may asawa at anak na sya. Ayokong maging kabit nya. Ayoko ring makasakit ng damdamin ng ibang tao. At mas lalong ayokong ako ang masaktan.
Mula sa araw na 'to ay ititigil ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Di na ako kikiligin sa mga ginagawa at sinasabi nya. Tama na na nagustuhan namin ang isa't isa. Walang pag-ibig na mabubuo.
Officemates kami at kahit iwasan ko sya ay maraming bagay ang magpapalapit sa amin. Araw araw ko syang nakikita kaya ako lang ang mahihirapan kung iiwasan ko sya ng pilit. Siguro ang pinakamagandang gawin ay ikondisyon ang aking sarili. Hindi kami para sa isa't isa at di kami ang magkakatuluyan.
Basta mula ngayon, makikipag-date ako sa lalaking single at may malinis na hangarin sa akin. Ibubukas ko na ang aking puso. :)
2 comments:
Maya,tama ka!
wala ka naman maaasahan sa kanya,kundi ang masaktan.
whos AZ?
Post a Comment