4.11.2010

Mga Nangyari Sa Buhay Ko Nung Wala Ang Laptop Ko

March 31, 2010 - Umuwi ako ng Bataan kasama si Gem.

April 1, 2010 - Naglinis ng bahay sa umaga at nanood ng TV buong hapon at magdamag.

April 2, 2010 - Nanood ng TV at nakipagchismisan sa kapitbahay.

April 3, 2010 - Pumunta kami kina Katrina at naligo sa dagat. Pagdating nang gabi ay nagdinner kami sa labas.

April 4, 2010 - Dumating si Papa kasama si Sadiri galing ng Isabela. Pagdating ng 5 PM ay bumalik kami sa Manila. Natraffic kami sa NLEX.

April 5, 2010 - Pumasok ako sa office. As usual may meeting na naman. Pagdating sa bahay sa gabi ay naglinis dahil may mga insektong pumapasok.

April 6, 2010 - Pumasok sa office. Movie marathon sa gabi.

April 7, 2010 - Pumasok sa office. Movie marathon sa gabi ulet.

April 8, 2010 - Pumasok sa office. Lumabas kasama ng officemates ko pagdating sa gabi. Umuwi ako ng alas 8 nakakainis kasi sumunod pala sa AZ sa kanila. Di nya ako naabutan.

April 9, 2010 - Naglinis, naglaba at nanood ng TV.

April 10, 2010 - Nakuha ko na ang Laptop ko.

No comments: