Alas onse na ng tanghali nang makarating kami sa presinto. Katulad ng inaasahan ay sobrang haba ng pila at halos lahat ng tao ay nagkakagulo. Mga kalahating oras din kaming naghintay hanggang sa nabigyan kami ng number at sinabihan kami ng isa sa mga teachers na bumalik na lang kami pagkatapos ng 2 oras dahil matagal daw ang proseso ng pagboto.
Bumalik kami sa presinto nang mga alas dos ng hapon. Mas magulo na ang pila na nadatnan namin dahil di na sinusunod ng tao ang number na binigay. Dahil dito ay nakipagsiksikan na rin kami sa pila. Malas namin kasi kinaylangan pang iwan namin ang aming papel sa isa sa mga watchers dahil di raw gumagana ang PCOS machine. Sabi nila, sila nalang daw ang maglalagay nun sa PCOS machine. Wala kaming tiwala sa kanila pero dahilsa init at gulo sa presinto ay iniwan nalang namin sa kanila ang aming mga papel. Wala na kaming pakelam kung dinaya ang boto namin basta ang mahalaga ay ibinoto namin ang gusto naming iboto.
Ang mga sumusunod ay ang mga ibinoto ko:
President: Dick Gordon
Vice President: Bayani Fernando
Senators: Pia Cayetano, Adel Tamano, Miriam Defensor Santiago, Ariel Querubin, Neric Acosta
Governor: Ang dati naming governor.
Vice Governor: Ang kapartido ng dati naming governor
Board Member: Ang tito ni Kad. Hindi ko sya ikinampanya katulad nung dati kaso sya lang ang ibinoto ko ngayon dahil puro walang kwenta naman ang kalaban nya.
Mayor: Ang tatay ng kaklase ko nung high school.
Vice Mayor: Ang kapartido ng ibinoto kong Mayor na asawa ng dati naming principal sa kindergarten.
Councilors: Alam ko ang mga kagaguhan ng mga tatay ng dati kong kaklase kaya wala akong ibang ibinoto kundi ang ka-apelyido namin at ang tatay ni Belle.
Partylist: Butil.
No comments:
Post a Comment