Magandang Bagay:
1. Niyaya nya akong sumakay ng kayak. Tuwang tuwa ako kasi isa 'to sa mga pinapangarap kong gawin at natupad nga yun dahil sa kanya. Masarap talaga pag libre hehe.
2. Isa syang diver. Kaya hindi rin naman ako nag-alangan na sumakay ng kayak at magsagwan papunta sa gitna ng dagat ay dahil alam kong kaya nya akong iligtas kung sakaling malunod ako.
3. Tinatawag nya akong "Miss Maya". Sya lang ang tumatawag sakin sa office ng ganun at napapangiti ako tuwing naririnig ko yun.
4. Lagi syang nakangiti. Kahit na sobrang stressed na ang mga nakapaligid sa kanya ay kalmado pa rin sya.
5. Gentleman sya.
6. May sense of humor sya.
Mga Di Magagandang Bagay:
1. Ipinapatawag sya sa office twing may problema. Kaya tuwing makikita ko sya ay di ko mapigilan ang aking sarili na mapaisip ng mga masasamang bagay at pangyayari sa office.
2. Sabi ng isang officer ay "matulis" sya. Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng "matulis" pero parang negative ang dating sakin nun.
3. Payatot sya.
4. Ako ang nagrereport ng mga babayarang telephone bills ng mga officemates ko tapos kanina lang ay nagsabi sya sa sakin na lumagpas na sya sa limit nya. Nagkaron sya ng charge sa pag-browse sa internet pero sabi nya ay never daw syang nag-internet gamit ang phone. Hay sumasakit ang ulo ko sa kanya!
5. Nagsusuot sya ng floral shorts. Ewan ko pero parang sya palang ang nakikita kong guy na nagsuot ng ganun. Hehehe.
6. Nag-iimbento sya ng mga kuwento. Kanina tumawag sya at sinabi nya na natanggap na raw nya ang pinadala kong love letter sa kanya.
1 comment:
you sent some one a love letter??
Post a Comment