Sa panahong nabubuwiset ka sa taong nakapaligid sa 'yo, may biglang tatawag at sasabihing nami-miss ka nya at ililibre ka nya sa Figaro.
Sa panahong wala kang natanggap na bonus, may sister ka na nagkaroon ng increase ang sweldo at bibilhan ka ng gusto mo.
Sa panahong nagkaron ka ng sipon at lagnat ka, may isang tao na lubos na kinaiinisan mo ang mahahawaan mo.
Sa panahong tingin mo ay ayaw mo ng magkaron ng bf, may biglang poporma sa 'yo.
Sa panahong gusto mo nang magresign, may isang tawag galing sa isang agency na magaalok sa 'yo ng malaking sweldo para magtrabaho ka sa Qatar.
Sa panahong naninikip na ang dibdib mo dahil sa usok na naaamoy mo galing sa tambutso ng jeep na sinakyan mo, biglang magpapatugtog ang driver ng paborito mong kanta.
Sa panahong nagugutom ka habang nasa kalagitnaan ka ng pagtratrabaho, may isa kang boss na aalukin ka ng pinipig galing ng Baguio.
5.27.2010
Panahon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment