Nagpaalam ako sa boss ko na mag-undertime ngayon para sunduin ang pinsan ko galing sa province. Ang totoo ay pumunta lang ako ng Ortigas para magpainterview para sa position na pre-school teacher sa Singapore. Ang mga sumusunod ay ang detalye ng interview ko:
1. Medyo napahiya ako kasi di ko alam na "work and study" yung in-offer nila. Ako naman kasi si engot di nagbabasa. Basta send lang ng send ng resume.
2. Family friend ng dati kong officemate yung interviewer. Ang pangalan nya ay Cristine Reyes. Hindi sya yung artista. :)
3. Ang assessment sakin ng interviewer, masbagay daw ako sa marketing or sales. Ewan ko kung bakit nya nasabi.
4. Maliit lang ang sweldo kumpara sa dati kong inapplyan kasi kasama sa contract yung pag-take up ko ng preschool education na British curriculum ang gamit.
5. 1,100 Singapore dollars ang sweldo ko kada buwan. P120,000 ang placement fee. 65,000 ang cash out at i-deduct buwan buwan ang natitirang placement fee sa sweldo ko. Kung ibabawas sa sweldo ko ang lahat ng expenses, ang matitira sakin kada buwan ay P22,000.
5. Kelangan kong ibigay ang aking desisyon bukas kung tutuloy ako o hindi. Magulo ang utak ko! Ayokong mag-aral ulet ng education. Pero gusto kong pumunta sa Singapore at magtrabaho. Ano ba talaga? Lord, help me!
No comments:
Post a Comment