Maya: Pa, okay lang ba akong maging matandang dalaga?
Papa: Ay ewan ko sayo. Kung yan ang gusto mo.
Maya: Eh pwede naman na ba akong mag-asawa?
Papa: Desisyon mo yan.
Maya: Okay lang ba sa'yo ang may dalawa ng anak?
Papa: Aba ewan ko sayo.
Maya: Eh yung biyudo pero walang anak?
Papa: Bahala ka ikaw naman makikisama.
Maya: Eh yung nagyoyosi pero single?
Papa: Halos lahat ng lalake nagyoyosi na.
Maya: So okay lang sa'yo ang nagyoyosi o gusto mo walang sabit ang mapangasawa ko?
Papa: Ay bahala ka buhay mo yan matanda ka na.
Maya: So okay lang ba ang nagyoyosi?
Papa: Halos lahat nga nagyoyosi na.
Maya: Eh bat ikaw di ka nagyoyosi?
Papa: Oo nga.
Maya: Eh kung seaman okay lang sayo?
Papa: Kahit sino bahala ka.
Maya: Seaman na single okay lang ba?
Papa: Oo okay lang bahala ka.
Maya: Eh seaman na mayamang mayaman pero may anak pero walang asawa?
Papa: Manood na nga tayo ang kulit mo.
Maya: Maging matandang dalaga o may asawa?
Papa: May asawa.
Maya: So pwede na akong mag-asawa kahit sino?
Papa: Oo mag-asawa ka kahit sino bahala ka.
Maya: Hehehe.
Heto ang naging usapan namin habang nanonood kami ng National Geographic heheh.
No comments:
Post a Comment