12.28.2010

Goal Ko For 2011

1. Di na ako manunumbat. Basta simula ngayon, tutulong ako sa pamilya ko nang bukal sa kalooban ko. Kung mabigat sa kalooban ko, di nalang ako magbibigay.

2. Kahit busy ako sa work ko, magbibigay pa rin ako ng time sa mga friends ko. Pag sinabing inuman, magpapakalasing ako. Pag sinabing disco, mag pole dancing ako hahaha!

3. Sisikapin kong gawin ang lahat ng pinapagawa ng boss ko. Iiwasan ko ang reklamo at chismis. Igagalang ko ang Assistant Director kahit na di makatarungan ang mga pinapagawa nya.

4. Maghuhulog ako ng 10% ng sahod ko kada buwan.

5. Magpapa-ahit ako ng kilay ko kada buwan at magpapa-pedicure ako kada sahod.

6. Iinom na ako ng vitamins at optein para sa mata ko hehehe.

7. Makikipag-date ako. Hindi na ako mahihiyang sabihin ang nararamdaman ko sa isang tao. Kung gusto ko sya, sasabihin ko na gusto ko sya. At kung mahal ko naman sya at mahal nya ako ay magpapagalaw na ako sa kanya hehehe.

8. Hindi ako magtatanim ng galit. Magiging mapagpatawad ako. Hindi ako gaganti.

9. Iiwasan ko ang chatroom.

10. Aattend ako ng maraming seminars at activities.

1 comment:

QULAPO said...

so far, musta naman po ang mga goals nyo ngayun