5.07.2011

Pau: Kung Sakaling Makita Mo Ang Taong Nagpaiyak Sayo Ano Ang Gagawin Mo?

Wala lang. Meron ba akong dapat gawin? Siguro ngingitian ko sya. Kung kelangang magsalita, pasasalamatan ko sya. Pasasalamatan ko sya sa lahat. Dahil sa kanya, ibang lalake ang makakatuluyan ko. Hindi kasing pangit nya hehehe.

Pau: Kung magkikita kayo ni Fish, makikipag-usap ka ba sa kanya?
Hindi. Ayoko lahat ng mga salitang binitawan nya. Mga salitang masasama tungkol sa Mama ko. Siguro iisipin ko na lang na isa syang langaw hehehe.

Pau: Kung magkikita kayo ni Lester anong gagawin o sasabihin mo?
Well, siguro makikipagkwentuhan. Tatanungin ko kung totoong bading sya hehehe.

Pau: Kung magkikita kayo ni Geena, sisingilin mo ba sya sa utang nya?
Hindi na. Pero kung iiaabot nya sa kin ang bayad ay tatanggapin ko pa rin. Pinatawad ko na sya pero mahirap nang ibalik ang dati. Saka baka nahihiya na yun hehehe.

Pau: Kung yayain ka ni Homer makaipag-sex sa kanya, makikipagsex ka ba?
Hindi. Kahit di nila mahal ang isat isa ay di pa rin ako makikipagsex kasi nga kahit kelan naman ay di ako nakaramdam ng libog sa kanya. :)

No comments: