2. Pumasok ako sa comfort room tapos yung toilet bowl may dugo o kaya tae so lumabas na lang ako kaso may kasunod ako. Akala ata nung kasunod ko eh ako yung tumae o umihi o nag-iwan ng dugo sa toilet bowl. Lagi tong nangyayari
3. Hindi ako laging nagmumura pero napamura ako dahil sa gulat habang nakikipag-usap sa mga konserbatibong nagbaba-bible study.
4. Nakipaginuman ako sa mga friends sa isang bar at nakasuot ako ng tanktop tapos sa loob ay strapless bra na may padding. Pagkatapos ng isang oras ay binulungan ako ng guy friend ko para sabihin na lumabas ang padding ng bra ko.
5. Nakipagchismisan ako sa mga friends ko. Pinaguusapan namin ang isang taong pinagtatawanan namin. Tuluy tuloy lang ako sa pagsasalita hanggang napansin ko na ako na lang ang nagsasalita at tahimik sila at mukhang seryoso. Yun pala, nasa likod ko ang kapatid nung taong pinagchichismisan namin.
2 comments:
Hello!Maya♥masarap ka siguro kausap ano?ang ganda basahin ng mga kwento mo.
ingat♥♥♥
. . . sumilip na padding? high five!
Post a Comment