11.08.2011

Undas 2011

Hindi lang pagpunta sa sementeryo ang ginawa ko nitong Undas. Maliban dun, naglinis din ako bahay (October 31) buong maghapon at sa paglilinis ko, eto ang mga nakita ko:

Chopsticks na galing sa Thailand. Pasalubong sakin ng pinakapaborito kong dormmate si Hazel. Nagka lymphoma sya kaya ayun wala na sya. :-(



Eto ang Westlife tape na binili ko dahil sa pagmamahal ko sa puppy love ko. Oo, maka-Westlife sya noon at ngayon ay kinahihiya nyang nahumaling sya sa boy band na 'to. Hehehe.




Ang mga casette tapes ko nung high school.



Eto ang ginamit ko sa PE nung nasa college ako. Gusto ko lang naman matutunan noon ang nilalaro ni puppy love ko. Naka tres ako sa subject na yan ha.



Eto ang pinangangalagaang mug ng Nanay ko. Di ko alam kung bakit sya meron nyan eh di naman sya pumunta sa UP at di rin sya member ng Sigma Rho. Wala lang. May crush kasi akong member ng Sigma Rho hehehe.



Eto ang lunchbox ko nung high school. Kadalasan, di ko kinakain ang laman nyan dahil masgusto ko ang softdrinks at Nova o kaya ay Piattos na pagkain pag lunch. Kaya ayun, nagka ulcer ako nung high school.


Eto ang lunchbox ko nung nasa Elementary ako.

No comments: