1.14.2012

Wild Romance Teaser



This year, nakatatlong Korean drama na ako. Scent of a Woman, Sungkyunkwan Scandal at Princess Jang Myung Go. Since kelangan kong matutong magsalita ng Korean nang hindi gumagastos kaya kelangan kong mag korean drama marathon every week. So this week, sinimulan ko na ang bagong drama na Wild Romance. Kaso kelangan kong maghintay na iupload nila ang may English subtitles. Hay.. Sana lumabas na ang episode 4.

Bakit Wild Romance?

  1. Kasi gusto ko si Lee Dong Wook. Sya rin kasi ang gumanap na bidang lalake sa My Girl at Scent of a Woman.
  2. Gusto ko si Lee Si Young dahil isa sya sa mga karibal ni Oh Ha Ni sa Mischievous Kiss. Kadalasan sexy na kontrabida ang role nya pero dito, sya ang astig na bida.
  3. Para maiba naman, gusto kong i-try ang mga drama na tungkol sa sports.