9.16.2012

Di Mo Alam

Di mo alam na napapangiti mo ako
Di mo alam na gustung gusto kitang kausap

Pero di mo rin alam na nainis ako sa sinabi mo kagabi
Di mo alam na nagalit ako sayo

Di mo alam na nasaktan ako nang labis
Kahit na di ko alam ang pangalan mo

At di mo alam na ikaw ang pangalawang lalaking iniyakan ko
Kahit na di ko pa alam ang itsura mo.

Lalong di mo alam na sa sinabi kong paalam 
Ang talagang gusto ko ay ituloy pa.


Wala lang akong magawa. Umuulan kasi. :-)

No comments: