- Koreanovela marathon with my cousins - Kahit na pangatlong beses na naming napanood, ay pinanood pa rin namin ang Sungkyunkwan Scandal.
- Sobrang lamig ng panahon kaya di ako naligo nung December 30 hehehe. Grabe, nung New Year's Eve lang ata ako hindi nag-jacket.
- Pig - Dahil kinatay ang isang baboy ng lola kaya puro pork ang handa namin nung New Year's Eve. Barbecue, Isaw, Adobo, Dinuguan, Bagnet, Porkchop. Okay, meron namang bibingka, salad at spaghetti. Dahil okay na ang tummy ko kaya di na ako uminom ng Ranitine at nakakain ako nang marami. :-)
- Pantal at sobrang nangati - As usual, kinagat na naman ako ng mga insekto sa probinsya. Di naman ako gaanong lumabas pero talagang ako ang puntirya ng mga lecheng insekto. Umuwi ako ng punung puno ng pantal ang katawan. Sobrang kati!
- Lalake - Merong pumuporma sakin na lalake. Kaso naman nakabantay lahat ng relatives ko. :-)
- Family - Hindi sasaya ang okasyon pag wala ang family. Sayang lang dahil di kasama ang ibang cousins namin at wala si Mama. Pero masaya pa rin. :-)
Koreanovela Marathon from December 30 - 31, 2012
No comments:
Post a Comment