11.10.2013

Sa Panahon ng Delubyo

Lumabas ang report tungkol sa hindi pagpapatuloy ng Iglesia ni Cristo sa mga nasalanta ng Typhoon Yolanda.   Eto ang mga comments nila:

Iglesia Ni Cristo member:   Ang Iglesia ni Cristo lang ang hindi nawasak dahil kami lang ang ililigtas ng Diyos!  Nasira ang simbahan ng mga Katoliko dahil mali ang kanilang mga paniniwala!   Kinukurakot ng mga pari ang mga salapi ng mga Katoliko!

Katoliko: Bakit hindi pinatuloy ng Iglesia ni Cristo ang mga nasalanta ng Yolanda?  ‘Yan ba ang pinagmamalaki nilang relihiyon?  Aanhin mo ang relihiyon na di tumutulong sa kapwa?  Masasama sila!

Iglesia ng Diyos follower:  Baluktot ang mga paniniwala ng mga Iglesia ni Cristo!   Kami ang tamang daan!   Mapupunta silang lahat sa impyerno sa hindi pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong!  Hindi ‘yan ang aral sa Bibliya!

Born Again Christian:  Katulad din sila ng mga Muslim na masasama!    Balang araw paparusahan din sila ni Lord sa di nila pagtulong sa mga nasalanta.

Muslim:  Buti nalang hindi ako miyembro ng Iglesia ni Cristo!   Parepareho lang sila ng mga Katoliko!  Mali ang relihiyon nilang lahat!

Atheist: (Nag-donate ng P 5,000.00 para sa mga nasalanta ng Yolanda through Red Cross at hindi sumali sa mga comments ng mga “mabubuti at reliyosong” nilalang.)


Wala talaga sa relihiyon yan eh.   Nasa tao yan.   Talagang makikipagdebate ang mga tao para ipagtanggol ang kanilang relihiyon at talagang sisiraan nila ang ibat ibang relihiyon.   Lahat nag-aaway away.   Nawawala ang mga respeto nila.  Nakakatawa!  Bakit di nalang sila tumahimik at tumulong? :-)

No comments: