3.18.2017

34 Years Old Na Ako At Single Pa Rin

Kelan Ko Mahahanap ang True Love? :-(

9.13.2015

Ang Hirap Yumaman

Alam mo yung sobrang kayod ka tapos pag andami mo nang naipon, may nagbabadyang gastusin na naman?   Ang pinakamahirap, di mo naman gastos.  Sa family.  Ayaw mo man magbigay ng pera pero di mo rin naman sila matiis eh.   

7.29.2015

Pwede Ba?

Kung pwede ko lang patayin ang boss ko.  Gusto ko talaga syang jombagin.  As in sya ang pinanggagalingan ng stress ko ngayon.

7.21.2015

Ano Laman Ng Wallet Ko


  1. Amex credit card
  2. JCB credit card
  3. Mastercard credit card
  4. BDO ATM card
  5. Insular healthcard
  6. SSS card
  7. PRC card
  8. Wacoal card
  9. SM Advantage card
  10. Starbucks card
  11. Waltermart reward card
  12. BDO reward card
  13. Redbox card
  14. 7/11 card
  15. Vie Royale spa card
  16. Apartment keycard
  17. Mabuhay Miles card

7.14.2015

Si Jared

Officemate ko si Jared.  Masbata sya sakin ng 6 years.  Gwapo at cute sya.  Bago palang sya sa office, inis na ako sa kanya kasi ako ang nagorient sa kanya nung first day nya tapos andami nyang tanong.  Nakakairita tapos conyo pa.

Eventually, maslalo ko syang nakilala at lagi ko syang nakakausap kasi naging iisang department na lang kami.  

Dumating ang araw na in-assign kaming dalawa na mag-host ng event.  Wala akong planong umibig sa kanya although swak na swak sakin ang taste nya sa music at lagi lang kaming nagtatawanan pag magkasama.  Mahilig sya sa dogs.  So bago yung event, naging lagi magkasama kami para makapagpractice at magkaron ng chemistry sa stage.  Hanggang isang araw, nagulat nalang ako na nami-miss ko sya. Yung parang na-addict na ako sa kanya, yung laging andyan sya at kausap sya.  Akala ko mawawala kagad ang nararamdaman ko pag di ko sya nakikita pero parang maslumalalim pa eh. Ayun, tangina, inlove na ako.  Napansin ko na lang na ipinagtatanggol ko sya pag pinagchichismisan sya tapos pag may babaeng nagkakacrush sa kanya, sinasabi ko na sa tingin ko, bading sya para di sila magkacrush sa kanya.

Ayoko ng ganitong feeling.  Gustong gusto ko sya.  Pero alam kong wala naman akong mapapala kasi di nya ako kelanman magugustuhan.  Masbata sya.  Masmayaman sya.  Masmatalino sya.  Marami kaming gap sa maraming bagay. At higit sa lahat hindi nya ako gusto.

Gusto kong magmoveon pero talagang gusto ko pa rin sya.  Alam mo yun, ang sakit sakit talaga.  Hindi ako makatulog. Hindi ako makapagfocus.  Tapos puro selos ako.  Nakakainis.  Naiinis ako sa sarili ko.  Gusto ko nang makipag date  para lang makalimot.  Ayoko na talaga.

7.13.2015

Nagbago Ako Ng Number

At konti lang ang pinagbigyan ko kaso andaming tumatawag na anonymous! Nakakaloka!

7.12.2015

Ang Hirap Mag-Move On

Lalo na kung di naman naging kayo.  Tanginang pag-ibig 'to oh.  Bakit kasi masbata sya sakin? Bakit kasi mayaman sya? Bakit kasi may iba syang gusto?

Bakit kasi di nya ako magustuhan?  Bakit?  Lecheng pag-ibig talaga.

5.24.2015

Taal






So last week, nakita ko ang Taal Volcano.  As usual, trabaho ulet.   Di naman ako nakapamasyal pero at least nakakuha ako ng mga pictures.

5.10.2015

Gusto Kong Bumalik Dito Kasama Ka Ulet


Shangri-la Mactan Resort and Spa in Cebu

After 11 Years

Umibig ulet ako.  Oo, mahal ko na sya.  Ewan ko ba.   Pero mahal ko na talaga sya.   Di nya ako mahal pero mahal ko na talaga sya.   Masakit pero masaya din.  Ganito pala ulet ang pakiramdam.