6.28.2010
Ulan
Nung bata ako inggit na inggit ako sa mga kapit-bahay kong nagliligo at naglalaro sa ulan. Medyo protective at strict ang Nanay ko kaya di nya kami pinapayagan na magtampisaw sa tubig kasama nila.
Pero kung sakali man na makita ako ng ibang tao na walang payong at basang basa sa ulan, hindi ibig sabihin nun na ginagawa ko ang mga bagay na di ko naranasan nung bata ako. Maliban dun, hindi na rin magandang tingnan kung magtatampisaw pa ako sa tubig ulan ngayong malaki na ako. Baka rin magka leptospirosis pa ako dahil sa dumi ng tubig sa daan. Tamad lang talaga akong magdala ng payong.
6.23.2010
Anong Title Ng Song Sa Axe Twist Commercial?
You're so lovely girl
You got me on my knees
If I find out you love turtles
Then a turtle I'll be
You're so sweet girl
I can't even see ya
If you want a drink of water
Then a river I'll be
Say that you love me now
And you'll always be with me
I'll be there every single morning
In your country here
Say you'll always need me
Always by your side
6.21.2010
6.20.2010
Dahil Father's Day Ngayon
Mga Ilang Bagay Tungkol Kay Papa:
1. Mahilig syang manood ng telenovela kung saan ang bida ay ang mga paborito nyang artista: Marian Rivera, Angel Locsin, Angelica Panganiban at Ann Curtis.
2. Naniniwala sya na magiging maganda ang result ng x-ray nya kapag uminom sya ng sterilized milk bago magpa-x-ray. Nag-away sila ng brother ko dahil dito.
3. Mama's boy sya. Lahat ng sinasabi ng nanay (lola ko) nya ay pinaniniwalaan at sinusunod nya at dapat nabibisita nya ang nanay nya ng at least twice a year.
4. Gustung gusto nyang panoorin si Ryan Bang at naiyak sya nung napanood nya si Jenny na nakikipag-usap sa tatay nya sa Korea.
5. Mahilig syang mag-videoke. Isa sa mga paborito nyang kantahin ay ang "The Scientist" ng Coldplay.
6. Ang bisyo nya ay ang pagsusugal. Hindi sya nag-yoyosi. Umiinom sya pero madali syang malasing. Pag nalalasing sya, humihiga sya sa sahig. Favorite expression nya ang "Is that so?" pag lasing sya.
7. Gusto nya ng ulam na may sabaw. Isa sa mga paborito nya ay ang papaitan.
8. Hindi sya madaldal. May pagkamahiyain sya pero friendly naman. Lahat ng taong kilala nya ay nagsasabi na mabait sya at palangiti.
9. Favorite actors nya sina Jean-Claude Van Damme at Fernando Poe Jr.
10. Nabuntis nya ang Nanay ko nang hindi pa sila kasal at ako ang naging bunga.
11. Chinito sya. Kamukha nya si Atoy Co nung binata sya.
12. Nagpakulot sya nung nauso ang kulot na buhok nung 1970s.
13. Pag pinapatulog nya kami nung bata kami kinakantahan nya kami ng, "Bahay kubo nakatira si kalbo. Umutot ng todo."
14. First love nya si Mila at first heartbreak nya si Emmy.
15. Pag ngumingiti sya di nya pinapakita ang teeth nya kasi naco-conscious sya. Ayaw nyang nakikita ng tao ang bungi nya.
16. May pagka strict at conservative sya. Pag nagsuot kami ng maikling damit sinasabi nya na di bagay o kaya ay pangit ang damit namin.
17. Sabi nya maging careful daw ako sa pagpili ng magiging asawa. Ayaw nya raw na makitang aapihin ako ng family ng magiging asawa ko. Basta raw tatanggapin nya kung sino man ang magustuhan ko.
18. Tuwang tuwa syang tingnan ang mga taong nag-ice skating.
19. Nagluluto, naglilinis at naglalaba sya sa bahay.
20. Mahilig syang magbigay ng corny jokes.
21. Henry ang name nya sa birth certificate nya pero ibang name ang ginagamit nya. Ayaw ng lola ko sa tuhod ang name kasi raw pang amerikano lang daw to.
22. Nanonood sya ng National Geographic at masyado syang apektado pag nakakapanood sya ng mga hayop na kinakain ng kapwa hayop.
23. Ang gusto nyang course ay BS Accountancy pero BS Agriculture ang kinuha nya sa college.
24. Naglalaro sya ng basketball pero ang paborito nya ay ang paglalaro ng chess.
25. May high blood sya. Sipunin din sya dahil sa allergy nya.
6.08.2010
C Is For Christian
Habang papunta ako sa workstation ko ay may nakita akong lalakeng nakasuot ng green tapos parang nakangiti sakin at nakapwesto sya dun sa HR. Hindi ko maaninag ang face nya kasi nga malabo ang mata ko. Pero nahulaan ko kagad kung sino sya kasi bigla syang nagsabi ng, "Hi Ms. Maya!"
Mga Tanong Galing Kay Sar
Sar: Paano kung nakatanggap ka ng wedding invitation from your first love?
Maya: Magugulat ako syempre..
Sar: A-attend ka ba ng wedding nya?
Maya: Hindi.
Sar: Pano kung sinadya nyang i-send yung invitation para magselos o masaktan ka?
Maya: He's just gonna waste his time hehehe.
Sar: Di ka magseselos?
Maya: Hindi. Wala naman na akong nararamdaman eh.
Sar: Kung wala kang nararamdaman eh di dapat umattend ka?
Maya: Di nga ako umattend sa kasal ng puppy love ko na naging kabarkada ko, sya pa kaya na ilang months ko lang nakasama. Di kami friends.
Sar: Wala kang mararamdaman?
Maya: Wala pero siguro magugulat ako kasi pano nya mai-send yung invitation diba? Aba ibig sabihin alam nya yung address ko hahaha. Kung ang ibig mong sabihin ay kung apektado pa rin ako, eh wala na talaga. Di ko na nga maaalala ang face nya.
Sar: Eh pano..
Maya: Ang kulit mo! Pag ikaw ang kinasal sa kanya sigurado ako aattend ako!
Sar: Yuck! Magmamadre nalang ako!
Maya and Sar: Hahahahaha!

6.06.2010
Ang Sister Ko At Ang Friend Ko
Alam ni Meg ang nakaraan ng friend ko at alam nya rin ang mga ginagawa nito kung bakit sya nabubuhay kahit na wala syang work. Kaya nung nagpaalam ako sa kanya na aalis ako kasama ang friend ko at ang dalawang matandang foreigner ay nagalit sya. Sabi ko wag syang magalala kasi kasama naman ang isa ko pang friend at wala namang mangyayari. Hindi sya naniniwala na chaperone lang kami. Natatakot sya na baka ibugaw ako ng friend ko.
Pagkaalis ko palang ng bahay ay nagtext na sya kaagad. Katext ko sya maghapon para lang tiyakin na walang nangyaring masama sakin. Kinulit nya rin ako sa plate number ng sinakyan namin. Gusto nya atang magreport sa police hahahaha. Sa totoo lang kung may masama mang nangyari kahapon ay yun ang pag-atake ng gastritis ko.
Dumating ako ng 9 pm kagabi at wala syang ginawa kundi sermonan ako. Pinapalayo nya na ako dun sa friend ko kasi daw baka mapariwara ako. Sabi nya wag na raw akong makipag communicate sa kanya.
Alam ko na masama ang ginagawa ng friend ko. Medyo nainis nga ako nung nakita ko ang pangmamanyak sa kanya nung matandang foreigner sa harap namin. Grabe ang PDA nila. At alam ko rin na nahihiya sya dun sa ginagawa nila.
Matalino at maganda sya. Hindi nya kelangang makipagrelasyon kung kani kanino para lang mabuhay. Hindi ko lang alam kung bakit kelangan nyang kumapit sa patalim. Kung lalayuan ko sya eh sino nalang ang magiging kaibigan nya? Unti na nga lang ang umiintindi sa kanya. Ayaw ko naman syang sabihan kasi alam kong alam nya na ang ginagawa nya. Matanda na sya para pagsabihan pa. Alam nya na ang tama at mali.
Basta, makikipagkita at makikipagusap pa rin ako sa kanya pero di ko na sya sasamahan pag may date sya para sa ikapapanatag ng loob ng sister ko.

Pinagalitan Ako Ng Tatay Ko
Papa: Musta kayo?
Maya: Okay lang eto may gastritis.
Papa: Bakit kasi di kayo kumakain ng tama?! Tamad kasi kayong magluto kaya di kayo kumakain! Andami nyo namang bigas pero di kayo nagluluto! Tapos pag may masakit sa inyo di kayo nagpapa checkup?!
Tahimik lang ang tatay ko. Marami syang nasasabi pag galit sya.

6.04.2010
6.03.2010
Subscribe to:
Posts (Atom)