4.05.2011

A Crazy Little Thing Called Love

Elementary

1. Ginawa ko ang lahat para maging number one sa klase hindi lang dahil ito ang gusto ni Mama pero dahil ang first crush ko na masmatanda sakin ng isang taon ay laging number one. Dahil sa pagiging masipag kong mag-aral ay nagkakasabay kami lagi sa pagrereview sa Home Economics Room para sa mga quizbee.
2. Tumatambay ako kasama ng mga friends dun sa lugar na laging dinadaanan ng crush ko.
3. Sumasali ako sa mga clubs na sinalihan nya pati ang pagsusulat sa dyaryo ay sinalihan ko para lang makasama sya. Ang akala ng mga teachers ko mahilig akong magsulat pero ang totoo ay si Mama lang lahat ng gumagawa ng mga poems ko na ipinapasa ko sa editor-in-chief ng dyaryo.
4. Nagsisimba ako nang maaga dahil alam kong nagsisimba sya nang ganung oras.
5. Nagpapadala kami ng friends ko ng sulat sa kanya gamit ang ibang name. Wala lang gusto lang namin malaman kung kakagat sya. Sa bandang huli, na-disappoint kami dahil yung bestfriend nyang mukhang butiki ang sumasagot sa lahat ng sulat namin.
6. Kahit kelan ay di ko nasabi sa kanya na crush ko sya. Hanggang ngayon ay hinahanap ko sya sa internet dahil curious ako kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon kaso ang huling balita ko eh nag-PMA sya.

High School

1. Nakatabi ko minsan ang crush ko (this time ka-batch ko na) habang nagtake ako ng long test. Kahit tapos na akong sagutan ang exam ay di pa ako tumatayo dahil gusto kong magkasabay kaming tumayo at magpasa ng papel. Tapos biglang nahulog yung ballpen ko habang nag-pre-pretend akong sinasagutan pa rin ang exam tapos napunta malapit sa kanya ang ballpen na yun tapos pinulot nya at ibinigay nya sakin. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay never ko ng ginamit ang ballpen (Apache ang brand na blue) at itinago ko lang hanggang sa mawala ang pagkacrush ko sa kanya. Basta ang natatandaan ko na lang ay hinahalikan ko lagi ang lintek na ballpen na yun hehehe.
2. Minsan bumisita sya (ibang crush na 'to) sa bahay kasama ang barkada nya at laking hiya ko kasi nung tumingin sya sa photo album ko ay nakita nya dun ang class picture namin kung saan wala yung face nya kasi nga ginupit ko yung mukha nya para ilagay sa wallet ko hehehe. Mukhang di naman sya nakahalata na sya ang crush ko dahil 3 faces ang nawawala sa class picture. Pero napahiya talaga ako nun sa mga kabarkada nya na may alam na crush ko sya hehehe.
3. Kinumpleto ko ang Station of the Cross kahit na di ako religious kasi nga sakristan sya (madami akong naging crush nung high school at iba rin 'to) sa town namin. Since sya lagi ang kasama ni Father pag Holy Week kaya ayun.
4. Dahil yung crush ko (eto yung puppy love ko) ay pinakamatalino sa isang subject namin nung third year high school kaya ginalingan ko rin hanggang sa ako na ang naging pinakamagaling dun sa subject na yun at pumangalawa na lang sya.
5. Nag-aral akong maglaro ng table tennis para sa crush ko (puppy love ko parin 'to) dahil varsity player sya ng table tennis. Sinubukan kong maglaro ng basketball at volleyball dahil magaling din sya dito pero hanggang table tennis lang ang kaya ko.
6. Bumibili ako sa drugstore nila ng kung anu-ano para makita ko sya (puppy love).
7. Minahal ko ang Westlife dahil alam kong ito yung fave boy band nya. Leche naubos ang pera ko sa pagbili ng lahat ng albums ng Westlife nun.
8. Hindi ko talaga nasabi sa kanila na crush ko sila. Yung puppy love ko nalaman nya na gusto ko sya noong di ko na sya gusto at nainlove na ako sa isang butiking Pasay. Sa text lang nya nalaman nung nalaman nya dun sa roommate ko nung college na naging wife nya na ngayon. Sabi nya kahit kelan ay di nya nahalata na gusto ko sya.

College

1. Lahat ng naging crush ko nung college ay pasikreto kong kinukuha ang cellphone number nila tapos binibigay ko sa mga dormmates ko para itext sila. Ang nangyayari nagiging textmates ang mga crush ko at mga friends ko.
2. Hindi ako uma-attend ng mga interdormitory activities pero dahil ang crush ko (isang Geology major) ay nakatira sa isang panglalakeng dorm ay naging ugali ko na ang sumama sa mga roommates ko sa mga activities para makita sya.
3. Ayoko ng lalaking nagyoyosi pero dahil nagyoyosi sya (yung Geology major parin to) ay ginawa kong habit ang "5 sticks ng yosi a year". Nung di ko na sya crush ay itinigil ko na ang paghithit ng limang sticks kada taon.
4. Pumupunta ako ng College namin para masulyapan yung crush ko (eto na yung first love ko) para makita sya kahit wala naman akong gagawin dun. Minsan kahit Wednesday at Saturday (wala akong pasok pag ganitong mga araw noon) ay dumadaan ako ng College namin sa pagnanais na makasalubong ko sya o makita.
5. Na-adik ako sa internet dahil sa crush ko (first love ko parin to) kasi nga ang alam ko ay mahilig syang mag-internet.
6. Nagsend ako ng text messages sa kanya (first love) at sa lahat ng mga common friends namin para di halata na para sa kanya talaga yung message na yun.
7. Nanghihiram ako ng vcd sa kanya (first love) kahit na di ko naman planong panoorin ang mga yun dahil gusto ko lang talaga syang makausap.
8. Hindi ako marunong gumawa ng tula talaga pero sinubukan ko ang lahat para makagawa ng mga tula dahil sa nabasa kong tula nya na sinulat nya (first love) sa logbook namin dati.
9. Ikinampanya ko ang tito nya (first love) sa lahat ng mga kakilala ko sa town namin kahit na alam kong wala naman syang pakelam sa tito nya.
10. Ninakaw ko ang lahat ng pictures nya (first love) na nakadikit dun sa bulletin board namin hehehe.
11. Never na nalaman ng mga crush ko nung college na crush ko sila. Yung sa first love ko naman ay nalaman nya dahil dun sa common friend namin. Pero never talaga akong nagkaron ng courage na sabihin ang nararamdaman ko sa isang lalake.

Ngayon

Ganun pa rin walang pagbabago hehehe. May gusto akong lalake pero hanggang sa pakikipag-flirt lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

No comments: