8.30.2009

Trailers

Lagi akong late pero pagdating sa panonood ng sine ay hinding-hindi pa ako na-late. Gusto ko 30 mins before mag-start ang film ay nakaupo na ako sa pwesto ko. Ayokong pinapalagpas ang mga trailers.

Since wala akong magawa ngayon, nagtyaga akong manood ng mga trailers sa youtube. In fairness, mukhang madaming akong dapat abangan ngayong taon:

1. The Princess and The Frog - Imbes na maging prinsipe ulet yung frog eh naging frog yung prinsesa. Parang katulad to ng Shrek kung saan akala ko mawawala ang sumpa ni Fiona pag hinalikan sya ni Shrek yun pala magiging ogre din sya. Nakakatawa at love story ata. Sige mapanood nga.

2. Ninja Assassin - Papanoorin ko 'to hindi dahil sa mahilig ako sa mga assassins at gusto ko ng mga ninjas. Papanoorin ko 'to kasi andito ang crush kong si Rain! Malamang lalakas ang tibok ng puso ko sa aksyon at sa kilig.

3. Surrogates - Detective story daw at tungkol sa pag-save ng humanity. Mukhang interesting ang film.

4. Whip It - Isa sa mga pangarap ko nung bata ako ay matutong magroller blade pero kahit kelan ay di ako natuto nito kasi pinangunahan ako ng takot na baka madagdagan ang peklat sa tuhod ko. Kung saan ako maligaya, dun naman ako nasasaktan. Kahit man lang sa movie ay matupad ang pangarap kong maging roller skater kaya papanoorin ko din 'to.

5. Nine - Dahil mahilig ako sa musical at dahil mga sikat ang mga artista dito kaya isasama ko na rin 'to sa listahan.

1 comment:

Unknown said...

nice blog wish i could speak the lingo. fallen in love with this one from stugod