Sabi nila, siya daw ang first love ko. Para sakin, sya ang puppy love ko kasi minahal ko sya nung nasa high school pa ako. Matagal na panahon na yun kaya nga naiinis ako pag nagtatanong sila ng, "Oy musta na kayo? Nagpakasal na ba kayo?" Pag nakikipagkita ako sa mga old friends ko, hinding hindi nila nakakalimutang tanungin si Piggy Oink. Minsan di ko alam kung matatawa o maiinis ako sa mga tanong nila. Pwede naman nilang tanungin ang career ko pero bakit lovelife ang una. Tapos magugulat sila pag sinasabi kong, "Ano ba, yung roommate ko nung college ang nakatuluyan nya noh." Di sila makapaniwala pag sinasabi ko yun. Ilang taon din naman kasi akong nahumaling kay Piggy Oink noon. Feeling ko nga kaya din sya minahal ng 4 na friends ko ay dahil sa kakabanggit ko ng name nya noon. Di ko alam na sa kakakuwento ko ng tungkol sa kanya ay nahulog ang loob nila sa kanya kahit di pa nila ito nakikita. Sa apat na yun ay di pa kasama ang roommate ko. Pano naman sila nagkatuluyan ng roommate ko? Aba di ko alam. Ang alam ko ayaw sa kanya ng roommate ko dati kasi lagi syang may mali sa grammar sa text. Nung time na mawala ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa isang orgmate ay sumunod naman syang nakipag-date sa isa kong ding orgmate na eventually ay naging gf nya.
Anyway, minsan akala nila ay mahal ko pa sya kasi naman lagi ko syang iniiwasan. Pag may reunion, di ako uma-attend pag alam kong andun sya. Nung kasal nga niya ay di rin ako sumipot kahit imbitado ako. Nung kailangan naman ng asawa nya ng kasama para sa paghahanap ng bahay ay di rin ako nakipagkita sa kanila. Ganun naman talaga ako. Kahit sa lalaking sumunod na minahal ko ay iniiwasan ko din ngayon. Past is past. At ang mga lalakeng bahagi na ng nakaraan ko ay dapat nang burahin sa friendster at sa memory ko heheh. Syempre malabo naman mangyari na makalimutan ko sila unless magkaron ako ng amnesia. Ayoko lang talaga silang makita. Pakiramdam ko masisira ang buhay ko pag nakita ko sila.
So paano ko mapapatunayan na di ko na talaga sya mahal at kaya ko lang siya iniiwasan ay dahil ayoko siyang makita? Simple lang. Una, nasa pictures nila. Kapag tiningnan ko ang pictures nila ng asawa nya sa friendster at facebook at pagkatapos ay wala akong nararamdaman o kaya ay di nagsisikip ang aking dibdib, ang ibig sabihin nun ay di ko na nga sya mahal. Pangalawa, kapag nakipag-chat ako sa kaniya. Nakikipagcommunicate ako hindi dahil sa nami-miss ko sya. Nakikipag-usap ako sa YM sa kanya para sabihin na bisitahin niya yung blogs ko para kumita ako. Yun lang. Pangatlo, kapag gusto kong makita silang magkahiwalay at nagaaway ng kanyang asawa. Selfish lang talaga ako. Gusto ko maging magulo ang lovelife ng mga minahal kong lalake. Kung mahal ko pa sya dapat maging masaya ako sa kanyang relasyon kasama nung babaeng mahal nya. Dapat handa akong magparaya kahit masakit sakin. Ganun daw ang true love. So that means I'm not inlove with him anymore. Antagal na kaya nun. Sana tumigil na ang mga friends ko sa kakatanong tungkol sa kanya at sa kakaisip na ako ay may nararamdaman pa rin sa kanya kaya ako laging umiiwas. Sana dumating ang araw na matatawa na lang ako sa kanila pag nakita ko sila o kaya naman ay masasabi ko na, "Parang familiar ang face mo.. Anong bang name mo?"
2 comments:
what does hindi mean?
hindi = no :)
Post a Comment