9.12.2009

Tula

Nung nasa college ako sabi ng isa kong roommate na naging asawa ng puppy love ko ay wala raw akong pakiramdam. Wala daw akong puso. Sinabi nya yun kasi pag may binabasa syang tula sa 'kin ay lagi akong walang reaction. Karamihan sa mga tula nya ay tungkol sa pag-ibig at naiinis sya pag di ako nagsasabi ng "aww, ang sad naman.." o kaya naman ay "nakarelate ako.. "

May mga panahon talaga na kahit mga kanta ay walang meaning sakin kahit na maganda ang tugtog o ang lyrics nito. Pagdating sa mga kuwento o tula, nag-iiba ang mga reaksyon ko. Minsan kahit sobrang babaw ay gustung-gusto ko at minsan naman kahit na sobrang lalim at ganda ay di ko 'to pinapansin.

Kanina pa ako nakatulala sa harap ng laptop ko at pinipilit kong gumawa ng tula pero kahit anong gawin ko ay di ako makagawa kahit na isang linya lamang. Dati naman ay mahilig akong gumawa ng tula at madali rin akong nakakagawa nito. Napansin ko na medyo bumalik na naman ako sa dati. Di na ako nag-eenjoy sa pagbabasa ng mga tula at di na rin ako makagawa ng tula. Siguro kelangan kong mainlove para makakagawa ulet haha.

No comments: