May isang Philosophy professor na ang tawag sa aming basketball team ay Fighting m-O-RONS kasi lagi daw absent sa kanyang klase ang mga players para magpractice tas di naman nananalo. Kapag nalaman nya na may estudyante sya member ng basketball team ay kaagad nyang pinag-drop ang mga ito dahil sa inis nya. Aminado ako na talagang mahina ang basketball team namin sa UAAP pero pagdating sa Pep Squad alam kong lamang kami sa ibang universities .
Taun-taon ay di ko pinapalagpas ang panonood nito nung nasa college pa ako at nung teacher pa ako. This year nagplano ako na manood pero sa kasamaang palad ay walang nabiling ticket ang mga friends ko at may shift din ako ng Sunday so nagtiis nalang ako sa panonood ng TV kanina.
Bago i-announce ang nanalo ay lumabas na ako ng bahay kasi male-late na ako since 5pm ang shift ko pag Sunday. Nung nasa jeep palang ako papasok ay nakatanggap na ako ng mga texts. Syempre, nagulat ako sa nabasa ko. Pangatlo lang daw ang UP. Haaay sobrang nakakalungkot talaga.. Sa napanood ko sa TV kanina alam ko na masmagaling ang mga ginawa noon ng Pep Squad namin kesa sa ginawa nila ngayon. Pero kung ikukumpara ko naman sila sa mga kalaban nila kanina ay masasabi kong malayo pa rin ang lamang nila sa iba. Para sakin, dapat ay nasa number 1 or 2 lang sila. Akala ko nga ang USTE lang ang matinding kalaban nila kanina.
Ayaw kong manira ng ibang school since di ko naman napanood nang live. Baka may nakita ang judges na di ko nakita kasi nga may sinusuportahan akong school. Anyway, darating ang panahon na ang UP Fighting Maroons basketball team ang magiging champion kasama ng UP Pep Squad. Basta manalo o matalo, nag-iisa lang ang Pep Squad sa puso ko. :)
PS:
Bakit naging chickenjoy ang dala dala ng pep squad ng FEU kanina? Kala ko tamaraw sila? :) Kapayapaan sa lahat lalo na sa puppy love ko na taga FEU dati hahaha.
1 comment:
luto daw ang laban...may recorded na conversation, isang judge me galit yata sa up at uste lol.
Post a Comment