10.15.2009

Dahil May Isang Ikaw

"Walang masama sa pagmamahal.
Ang masama ay pag kinalimutan mo
ang prinsipyo mo
dahil sa pagmamahal."
- Tessa (Lorna Tolentino)

Di ko hilig ang panonood ng Filipino telenovela dahil sa maraming dahilan pero sa ngayon ay di ko nakakaligtaang panoorin ang "Dahil May Isang Ikaw" ng ABS-CBN kasi ito lagi ang palabas sa pantry pag lunch break sa office. Wala naman akong choice dahil iisa lang ang TV at baka awayin naman ako ng mga officemates ko pag nilipat ko.

Hindi naman pangit ang telenovelang 'to. Eventually nagustuhan ko na ring panoorin. Di ako fan ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa at di rin ako kinikilig sa love story nila. Ang nagustuhan ko dito ay ang love story nina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Minahal nila ang isa't isa kaso di sila nagkatuluyan dahil sa long distance relationship at syempre sa kasinungalingan ng mga kontrabida na ginampanan nina Chin Chin at John Estrada. Tumanda na at nagkaron na sila ng sari-sariling pamilya pero pinagtatagpo pa rin sila ng tadhanda dahil sa mga anak nila. Medyo nakakarelate ako since di ko nakatuluyan ang mga taong minahal ko.

Anyway, bukod sa kuwento ay nagustuhan ko rin ang pag-arte ni Lorna. Una ko syang nagustuhan sa "Luksong Tinik." Hindi sya OA at nadadala ako sa iyak nya. Sana lahat ng artista ay kasing husay nya.

No comments: