Sa daming bahay at kabuhayang nasira ng Typhoon Ondoy at Typhoon Pepeng ay madali na lang ang mag-file at ma-approve ang calamity loan mo sa Pag-ibig. Di mo na kelangang magpakita ng picture na lumubog sa baha ang bahay mo o kumuha ng pirma ng barangay captain nyo. Dahil dito ay maraming nag-take advantage sa loan na 'to kahit di naman sila apektado ng kalamidad. Siguro dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon.
Anyway, medyo nagkainitan ang mga tao at mga security guards kanina dahil sa pila. Kung sino pa kasi ang may edad na ay sya pa itong hindi marunong pumila. Medyo nagkasagutan din ang mga taong mag-encash ng cheque at mga taong magdedeposit o withdraw lang. Lahat kasi gusto sila ang iprioritize ng bangko.
Muntik na rin akong di makapag-withdraw dahil di ko dala ang ID ko. Buti nalang at tugma ang signature ko sa passbook ko at sa withdrawal slip. Kilala na rin ako ng mga bank tellers kaya di ko na kelangang magpaliwanag kung bakit di ko nadala ang ID ko. Aba kung alam ko lang na mahaba ang pila dun ay sana sa Unionbank na lang ako nag-withdraw.

No comments:
Post a Comment