11.16.2009

Aja!


4pm ang schedule ng appointment ko sa agency at 335pm palang ay dumating na ako dun. Kaso 515pm na ay di parin ako pinapatawag ni Miss Beth sa table nya at clueless ako kung bakit ako pinapunta dun. Sabi nung isang officemate nya ay kausap daw nya ang employer na gustong kumuha sakin. Kung alam ko lang eh di sana ay di na pala ako nag-taxi papunta dun at sana natulog muna ako. Aba almost 2 hours akong naghintay ah.

Anyway, tama ang hinala ko. Sinabi ng employer kay Miss Beth na i-convince ako na tanggapin ang tourist visa at sa Wednesday or Thursday na ako pinapapunta sa Singapore. Pinakita sakin ni Miss Beth ang contract at iba pang documents na nagpapatunay na inaasikaso nila ang s-pass ko kaya di daw dapat ako mag-worry.

Sabi ni Miss Beth ay mag-isip daw akong mabuti kasi kung sya raw ang tatanungin ay di nya tatanggapin ang tourist visa at baka raw mademanda sya. Syempre di naman ako tanga para tanggapin yun. Akala ko pa naman ay strict sa Singapore pero eto ngayon ang employer mismo ang nagsasabing magtrabaho ako na tourist visa lang. Ang nakakainis pa ay gusto nilang magdala ako ng 100,000 pesos papuntang Singapore. Sabi nila kelangan ko daw bayaran ng P40,000 ang house kung san ako magstay at yung P60,000 naman daw ay para sa allowance ko for the first month. After one month pa ko pa daw makukuha ang sweldo ko.

Nung November 7 sa orientation ay malinaw na sinabi nila na allowance lang ang dadalhin namin dun at sila ang bahala sa bahay. Sinabi rin nila na 2000 Singapore dollars ang sweldo pero kanina nakalagay sa contract na 1,800 lang. Admin Assistant din ang nakalagay na position ko sa application for S-Pass. Sinabi ko kagad kay Miss Beth na di ko tinatanggap ang alok nila. Sa totoo lang naiinsulto ako sa alok ng employer. Akala ata nila ay masyadong desperado ang mga Filipino sa paghahanap ng work sa kanila para bigyan nila ng tourist visa. Haaay.. Nakaka-depress. Maghahanap ulet ako ng bagong recruitment agency at next week maghahanap na rin ako ng work dito sa Pinas. Kaya ko 'to..

No comments: