Pinapapunta ako sa agency sa Monday at magsuot daw ako ng business attire. Sa lahat ng kasabayan kong nag-apply ay ako lang ang halos araw-araw na pinababalik sa agency at di na ako natutuwa. Ayaw naman nilang sabihin kung isa na namang interview ito. Lahat ng kasabay ko ay minsan lang na-interview ng dalawang employer na taga Singapore. Nung Saturday, 4 na beses akong na-interview at apat na Singaporean pa sila. Kahapon ng umaga naman ay nag-video conference kami ng isang principal sa Singapore para pag-usapan ang mga responsibilities ko at pagdating sa hapon ay tinawagan ako ng agency para sabihing inaalok ako ng tourist visa ng employer.
Di ko alam kung panibagong interview or orientation ang mangyayari sa Monday o kung inconvince nila ako na pumayag sa tourist visa para makalipad na ako on Wednesday.. Haaay.. Naiinis na ako at gusto ko nang kunin ang mga documents na naipasa ko sa agency kaso nga lang after 2 months ko pa pwede makuha kasi may penalty.
No comments:
Post a Comment