11.13.2009

Friday The 13th

Maraming naniniwala na malas ang Friday the 13th pero ako hindi. Kadalasan nga sinuswerte ako pag 13 siguro ay dahil sa ang birthday ko ay 13 hehehe.

Anyway, kanina pagkagaling ko sa registrar habang nasa jeep ako ay bigla akong tinawagan ng agency. Nasagot ko ang tawag nila nung nasa MRT sa Quezon Ave Station na ako. Tumawag daw sa kanila ang employer at tinatanong ako kung gusto ko na daw na lumipad papuntang Singapore next week. Nagulat naman ako. Natuwa ako kaso sinabi ko na di pa ako kumpleto sa documents at baka sa Wednesday ko pa makukuha ang TOR at diploma authentication. Sinabi ng agency na mag-isip akong mabuti kasi tourist visa lang ang ibibigay sakin pag next week ako nagpadeploy since kulang ng documents. Gusto ng agency na kumpletuhin ko muna ang documents kasi kung tatanggapin ko ang tourist visa ay wala akong insurance so kung may mangyari sakin sa Singapore ay wala akong habol at saka ang malilintikan ay ang agency dito sa Pinas kung nagkataon. Syempre di naman ako tanga. So sabi ko willing ako pumunta sa Singapore ASAP kung may accreditation na ng POEA at OWWA at dapat properly documented. Saka nagpagod ako para ayusin lahat ng mga documents ko tas di naman pala magagamit kung papayag ako sa alok nila. Medyo kelangan ko pa rin ng pahinga kahit isang week lang kasi nilalagnat din ako ngayon.

Di ko lang alam kung nagustuhan ng employer ang sagot ko kasi sabi nila kelangan na kelangan na daw nila ako dun. Parang nainis sila sa pagreject ko sa alok nila.. Buti nalang suportado ng agency ang desisyon ko na hintayin ang lahat ng documents. Sabagay malalagot sila pag may nangyari sakin at tourist visa lang. Haay.. Masaya na nga ako kaninang umaga dahil maganda ang kinalabasan ng mga interviews at exams ko kaso biglang pumangit pagdating sa hapon. Sana may dumating na ibang opportunity..

Minalas ba ako sa araw na 'to? Sus di naman ako naniniwala sa malas at swerte.

1 comment:

yatnig channel said...

hello maya! currently binabasa ko ang blog mo. ang kulit and nakakatuwa. i also started mine kaso wala me halos time magsulat sa blog coz of work. im currently working in singapore.
spass ang inaaply sa iyo? kadudaduda yang spass kasi base sa in principle approval letter mo, Q1 ka. mas mataas yun keysa s-pass!

anyways, nice blog site. sulat lang ng sulat!:)