1.Pinoy Big Brother Double Up - Nakakainis kasi lagi nalang si Melissa at Jason ang pinapakita. Nakakakilig kaso nakakasawa na.
2. Dahil May Isang Ikaw - Inalis nila si Denise (Karylle Padilla Tatlong Hari). Buti nalang andyan pa si Chin Chin Guttierez at Lorna Tolentino. Yung iba di naman marunong umarte sana sila nalang ang inalis.
3. Wowowee - Di ako fan ni Willie Revillame pero pinapanood ko ang show na 'to. Masaya kasi at laging kasali ang audience. Sana lang ay wag araw-arawin ni Willie ang pagkanta ng "Ikaw Na Nga." Sana din ay magkaron sila ng game na pedeng sumali ang mga nanonood sa TV heheheh.
Ewan ko kung bakit napapangitan na ako sa pinapanood ko ngayon sa ABS-CBN. Hindi naman siguro dahil sa sawi ako sa pag-ibig.
1 comment:
RE: wowowee.. recently ko lang napansin na kinakanta nya un araw araw. nung napansin ko, nairita ako kagad haha
"Ewan ko kung bakit napapangitan na ako sa pinapanood ko ngayon sa ABS-CBN. Hindi naman siguro dahil sa sawi ako sa pag-ibig."
-- parang hindi nagconnect. :P
Post a Comment