12.06.2009

Sira

Pumunta ako sa pinagbilhan ko ng laptop para ipayos ang sirang monitor. May lumilitaw kasing mga green at red lines tas parang tumatalon pa yung screen. Unfortunately, sabi nila after 3 weeks ko pa daw makukuha ang laptop pag sa kanila ko pinaayos. Kung gusto ko daw mapabilis ang pag-ayos ay dumiretso nalang ako sa HP mismo. 3 days lang daw ay makukuha ko na kagad ang naayos na laptop. Ang problema ko ay kung pano ko madadala to sa HP. Mag-start na ang training ko bukas at 9am to 6pm ang shift ko. Di ko naman pwedeng dalhin to dun after ng shift ko since 8am to 5pm lang sila open. Badtrip naman.

1 comment:

Nitin said...

looks like some one gave their laptop for fixing and has got their training to start.. :D..