12.20.2009

Tipo Kong Lalake

Kung sakali man na ako ay iibig muli, sana naman ay dun sa tipo kong lalake:

1. Hindi nagyoyosi.
2. Umiinom pero di lasinggero.
3. Hindi babaero.
4. Hindi nagsusugal.
5. Hindi mahilig sa online games.
6. Hindi basagulero pero kayang ipaglaban ang karapatan nya.
7. Hindi sya marunong mang-hack (ayokong pinakekealaman ang emails at ibang accounts ko sa internet).
8. Kahit hindi gwapo basta presentable.
9. Masmatangkad at masmatanda sa akin.
10. May stable job at marunong mag-save.
11. Hindi sya isang sundalo, police o seaman (gusto ko kasama ko sya pag holidays).
12. Maginoo pero bastos sa loob ng kwarto.
13. Hindi nya ako sasaktan (ok lang ang unting kalmot at palo sa pwet pag nag-do kami hehe).
14. Marunong sa gawaing bahay.
15. Hindi makalat at malinis sa katawan.
16. Masarap kakwentuhan pero di maingay.
17. May paninindigan at prinsipyo.
18. May respeto sa ibang tao at sa kanyang sarili.
19. Tatanggapin nya ang aking pagkatao, ang aking nakaraan, ang family at mga friends ko nang buong puso
20. Dapat tanggap din ako ng family at friends nya.

At higit sa lahat, mamahalin nya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya habang ako'y nabubuhay. :)

No comments: