Gusto kong maging spy. Yun talaga ang gusto ko mula pa nung bata ako. Kaso malabong mangyari yun. Kelangan kong magsimula sa tuldok.
Sa ngayon, nag-aapply ako ng trabaho kaso hindi ako makakita ng gusto ko talaga. Gusto ko rin mag-abroad kasi gusto kong kumita ng malaki. Pero kung di ako makakapag-abroad, sana naman ay makakita ako ng trabaho dito sa Pinas na:
1. Magpapasweldo ng at least 15,000 pesos.
2. May allowances (rice, transportation, clothing).
3. May health benefits.
4. Dapat dayshift.
5. Dapat walang pasok sa weekends at pag holidays.
6. Madaling magfile ng leaves.
7. Hindi paulit-ulit ang ginagawa ko.
8. Natututo ako sa mga ginagawa ko.
9. Madali lang ang promotion.
10. Hindi ko inuuwi ang trabaho ko.
11. Walang uniform.
12. Malapit sa bahay.
13. Pwede ako magtravel abroad once a year.
14. May sarili akong cubicle.
15. Marami akong nami-meet na tao.
At higit sa lahat ay mag-eenjoy ako sa ginagawa ko. :)
No comments:
Post a Comment