6:45 AM - Dumating ako sa office.
7:00 AM - Kinausap ako ng Corporate Affairs Officer at saka ako ipinakilala sa HR Associate.
7:15 AM - Orientation. Pinagusapan namin ng HR Associate ang tungkol sa mga benefits at company policies. Sinabihan nya ako na wala pa raw nagtatagal na Executive Assistant dahil sa ugali ng boss. Yung huling EA ay tumagal daw ng 3 months. Good luck daw sakin!
9:00 AM - Ipinakilala ako sa mga officers. Lahat sila ay matatanda na.
10:00 AM - Management Committee Meeting. Sabi ng Corporate Affairs Officer ay sumama na raw ako sa meeting para magkaron nako ng experience. Sya muna ang gumawa ng minutes of the meeting. Nandun ang lahat ng head ng iba't ibang department. Madami silang pinag-usapan at di ako naka-relate. Gusto kong sumigaw ng "What the hell are you talking about?!" Hindi ko alam kung inaantok ba ako o slow lang talaga ako. Wala naman kasi akong alam sa maritime industry. Good luck talaga sakin dahil next Monday ay kelangan ako na ang gagawa ng minutes of the meeting at tracking sheets ng mga projects ng lahat ng department.
12:00 NN - Lunch time. Mura lang ang food sa pantry. 38 pesos ay busog na ako. Mukhang friendly ang mga tao kaso wala ako sa mood makipagchikahan kaya tahimik lang akong kumain sa isang sulok. Naki-share naman ng table ang isang matabang lalake. Isa sya sa mga head at medyo di ko naintindihan ang kinukuwento nya dahil sa antok.
1:00 PM - Tinuruan ako kung pano i-handle ang mga incoming calls for the Vice President at CEO. Dapat daw kilatisin ang mga taong naghahanap para kausapin sila.
2:00 PM - May tumawag at sinagot ko. Ok naman ang pag-handle ko ng call kaso nakalimutan kong kunin ang name at nature ng business bago ko naitransfer sa boss. Buti di ako pinagalitan.
3:00 PM - Relihiyoso pala ang mag-asawang CEO at VP. Ayun pinaayos ako ng files ng mga priests at bishops na aaattend sa National Clergy Congress. 4,500 lang naman silang aaattend at kelangan kong i-alphabetize ang kanilang IDs at registration forms. Pagkatapos i-alphabetize ay saka ko sila iclassify kung anong congregation at anong town nila. Madaling lang naman kaso naduling ako sa ginagawa ko.
4:00 PM - Merienda time. Nagpakain ang may birthday sa kanila. Nabusog ako. Hehehe.
5:00 PM - Umalis na ang ibang tao sa office. Nagpaiwan ako kasi di pa umaalis ang boss ko at di ko parin tapos ang pag-aayos sa ng mga files ng mga pari at obispo.
5:45 PM - Tatlong tao nalang ang natira sa office. Inayos ko na ang table ko at saka umuwi. Bukas ko nalang itutuloy ang trabaho ko.
1 comment:
so work has begun. :) nice.
Post a Comment