3.17.2010

Cigarette Tax

Sumasang-ayon ako kay Gordon nung sinabi nyang dapat taasan ang buwis ng sigarilyo at tabako.

Naisip ko lang, dapat bawasan ang tax sa sweldo tapos taasan naman nang sobrang taas ang tax ng sigarilyo at tabako. Pag sobrang taas ng tax sa sigarilyo at tabako, magmamahal ang presyo ng mga yosi sa tindahan. Pag sobrang mahal ng yosi, unti lang ang bibili kasi nga sobrang mahal. Unti lang ang bibili kaya unti lang din ang magyoyosi. Pag unti lang ang magyoyosi, mababawasan ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng TB at lung cancer. Masmaaliwalas ang hangin pag unti lang ang nagyoyosi sa paligid.


Para sa ekonomiya, kalusugan, at kapaligiran. Kay Gordon ako!

No comments: