1. Pinakanakakahiyang Bagay Na Nangyari Sa Akin
Nung medical exam sa college. Sabi nung technician sa X-ray, tanggalin ko raw ang bra ko at iwanan ko ang t-shirt ko. Ako naman si bingi nag-topless. Lalake pa naman ang technician.
2. Pinakapinagselosang Babae
Nung high school si Cristine. Madaming nang-aaway sa kanya kasi sakim sa mataas na grade. Isa ako sa umaaway sa kanya pero hindi dahil sa grade. Dahil kay JR. Sya kasi ang first love ni JR. Nung college naman ay si Mimi. Lagi kasi syang kasama ni Kad. Lagi silang magkadikit kaya gustung gusto ko syang sabunutan dati.
3. Pinakamasamang Ginawa Ko Sa Tao
Nilagay ko yung toothbrush ng housemate ko sa inodoro kasi sinabihan nya ng masama ang Nanay ko.
4. Pinakaweird Na Ginawa Ko Dahil Sa Lalake
Minsan ay nahulog ako sa isang sakristan na ini-stalk namin nina Grace. Kahit hindi bukal sa loob ko ay halos magsimba ako araw-araw para makita siya. Nakumpleto ko ang simbang gabi at nagpatiisan ko din ang paglalakad sa Station Of The Cross.
5. Pinakaminahal Kong Lalake
Yung lalakeng nagpa-iyak sa akin.
6. Pinakamasugid Na Manliligaw
Si David. Pati Nanay nya ay kasama sa panliligaw sakin. Binibigyan nya ako ng food, teddy bear, at kung anu anong regalo. Pagkatapos ng limang taon ay sumuko sya at sabay sabing "di na kita gusto kasi pumangit ka na". Bitter sya hahaha. Hanggang ngayon ay single pa sya hehehe.
7. Pinakamasayang Nangyari Noong Bata Pa Ako
Nagkakayayaan kami ng friends ko na umakyat sa bundok nung ideclare na half day ang klase namin. Di namin inaasahan na makikita namin ang wanted na si Tingas sa tuktok ng bundok. Mamamatay tao at rapist sya. Tumakbo kami pababa ng bundok nung nakita naming mabilis ang takbo ng kabayo nya papalapit sa amin. Halos pagulungin namin ang mga sarili namin pababa ng bundok. Buti nalang hindi kami naabutan. Andami naming sugat sa katawan nung nakarating kami sa baba. Nung nasa baba na kami at naramdaman namin safe na kami ay tawa nalang kami tawa.
8. Pinakamahal Na Bagay Na Nabili Ko
Laptop ko. PHP 26,500.
9. Pinakamalungkot Na Nangyari Sa Buhay Ko
Nagsuicide ang Nanay ko.
10. Pinakagrabeng Kalokohan Na Ginawa Ko
Nakipagkita ako sa isang ka-chat nung 2008. Binalak namin na mag-sex kaso sa takot ko ay di ko naisuko ang Bataan.
11. Pinakamasarap Na Pagkain Para Sa Akin
Sa ngayon ang paborito ko ay sinigang na hipon. Pero nung bata ako ay ang hotdog ang pinakamasarap para sakin. Nasabi ko pa nga sa sarili ko noon na pag yumaman ako ay pupunuin ko ng tender juicy hotdog ang buong bahay ko at araw araw ay ito lang ang kakainin ko.
12. Pinakamalapit Na Kaibigan
Nung elementary si Grace. Sa high school, si Jane. Nung college sina Pola at Jen. Sa work si Mare at si Missy.
13. Pinaka Di Malilimutang Performance
Nung kumanta ako ng "When You Wish Upon A Star" kasama si Erickson sa harap ng maraming tao. Nasa grade 4 ata ako noon at grade 5 naman sya.
14. Pinakapinagsisihang Bagay Na Ginawa Ko
Ang mahalin ang taong nagpa-iyak sa akin.
15. Pinaka Ayaw Kong Ugali Ng Parents Ko
Kay Mama, ayaw ko ang pagiging strict nya. Kay Papa, ayoko ang pagiging sobrang humble at walang tiwala sa sarili nya.
16. Pinakagustong Lugar Na Puntahan
Sa Pilipinas, gusto kong makarating ng Batanes. Sa ibang bansa, gusto kong makarating sa Jeju Island sa Korea at sa Vienna sa Austria.
17. Pinakagustong Kalimutan Na Pangyayari
Ang pagkamatay ng Mama ko.
18. Pinakagustong Kalimutan Na Tao
Yung nagpag-iyak sa akin.
19. Pinakamasarap Na Kakuwentuhan
Sina Joe, Carlo at Jen. Si Carlo kasi lahat ng topic pede naming pag-usapan. Sina Jen at Joe kasi tawa lang ako nang tawa pag sila ang kakuwentuhan ko. Kahit malungkot na bagay ay nagiging masaya pag sila ang kausap ko.
20. Pinakagustong Patayin
Sa peste, gustung gusto kong patayin ang mga ipis. Sa tao, sina Dugong at Kuling. Dapat i-torture muna sila bago patayin bwahahaha.
21. Pinakagusto Kong Buhayin Sa Mga Patay
Syempre ang Nanay ko at si Hazel, ang dormmate ko mula first year college hanggang fourth year.
22. Pinakaunang Iniyakan Na Palabas
"Bakit Labis Kitang Mahal" nina Ariel Rivera, Aga Muhlach at Leah Salonga. Bata pa ako nung napanood ko 'to. Naiyak ako dun sa eksena na nagparaya si Ariel Rivera. Nakipaghiwalay sya sa girlfriend nyang si Leah kasi na-inlove na si Leah kay Aga. Hay nakakalungkot talaga.
23. Pinaka-kinatatakutang Bagay
Una, ang death ng family. Alam ko na lahat ng tao ay namamatay pero mahirap talagang tanggapin pag sa pamilya ko nangyari 'to. Sana naman wala pang mawala sa family ko. Hindi ko kakayanin pag may sumunod kay Mama. Wag muna. Second, ang rape. Hanggang ngayon ay hirap na hirap akong panoorin ang mga palabas na may rape scene. Ok lang ang mga rape sa porn pero yung mga karumaldumal na rape na nababalita ay di ko talaga kaya. At syempre ang huli ay rejection. Mahirap ipaliwanag pero ayoko talaga ng rejection.
24. Pinakaayaw Na Pagkain
Dinuguan. Sa amoy pa lang ay nasusuka na ako. Maslalo na pag natikman ko. Katoliko ako pero di talaga ako kumakain ng dinuguan.
25. Pinakapaboritong Ayos Ng Buhok
Sa ngayon ay yung nakalugay lang. Pero mula grade one hanggang first year college ay di ako lumalabas ng bahay ng walang headband. Pakiramdam ko noon ay wala akong suot na salawal pag wala ang headband ko. Tingin ko yun ang dahilan kung bakit ako matalino dati hehehe.
No comments:
Post a Comment