4.23.2010

San Pwedeng Manggaling Ang Budget Para Sa Pangangampanya Ng Isang Kandidato?

1. Pwedeng galing ito sa sweldo nya.
2. Pwedeng galing ito sa ipon nya.
3. Pwedeng galing ito sa tulong ng mga negosyante na susuporta sa kanya.
4. Pwedeng galing ito sa donation ng relatives at friends nya.
5. Pwedeng galing ito sa kurakot at kotong nya.
6. Pwedeng galing ito sa jueteng.
7. Pwedeng galing ito sa kita sa sabong at kung anu ano pang sugal.

Pwede kayang galing din ito sa lotto? Minsan lang may manalo ng jackpot sa lotto pero nakikilala ba ng taong bayan kung sino ang nananalo? Syempre hindi nila nakikilala kasi nga baka makidnap o mahold up sila. Para na rin sa seguridad nila at syempre para di sila utangan ng kung sinu sino.

Pero pano nga kaya kung ang jackpot na 35 million ay napupunta pala sa isang kandidato? Pano kung sinasabi lang nila na may nanalo na at may nag-claim na nito pero ang totoo ay napupunta ito sa bulsa ng isang kandidato gamit ang pangalan ng sinasabing nanalo daw?

Wala lang naisip ko lang hehe. Wag nyo akong kasuhan at isumbong sa pulis. Madumi lang talaga ang utak ko hahaha.

1 comment:

Anonymous said...

Hi Maya!
Pwede rin naman,na totoo ang nasa isip mo.